38: Travel

2.7K 154 24
                                    

Warning: Raw and unedited


"We have the results of the tests. There's nothing wrong with Olivia's eyes," ang sabi ng doctor habang tinitingnan ang chart na hawak nito.

"That's good news, right?" Ang tanong ni Kelly kay Olivia na nakahiga sa hospital bed. Katabi nito si Max.

Hindi si sumagot si Olivia. Napatingin siya kay Max na matamang nakikinig sa doctor. Hawak nito ang kamay niya. That's not good news.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang doctor.

"What happened to Olivia is normal and expected. She will get more temporary blindness episodes along with the other sensory problems as her disease progresses. The cancer is slowly destroying her senses hanggang sa..." Napatigil ang doctor at tumingin sa kanila. "...well, you already know what will happen."

Isang katahimikan ang namagitan sa kanila. Napayuko naman si Kelly. Hindi nito kayang tingnan ang pamangkin.

"When can my wife go home, doc?" Tanong naman ni Max.

"You can go home now. Just make sure to take care of her at home."

"Thank you, doc."

Tumango lang ang doctor pagkatapos ay bumaling kay Kelly.

"Kelly, pwede ba kitang makausap sandali?"

"Yes, doc," ang sagot ni Kelly. Tiningnan niya muna si Olivia at Max. Nag-uusap ang mga ito. Pagkatapos ay sinundan nito ang doctor sa labas.

"Any news on the husband convincing his wife to go through the operation?" Diretsong tanong ng doctor.

"It's the other way around, doc. Parang nakumbinsi ng pamangkin ko itong si Max. Nakita mo naman sila. Kalmado sila habang nakikinig sa balita mo kanina. They seem to be happy with each other." Ang sagot ni Kelly.

"They're happy now. Wait until Olivia get worse. Things will be very painful for him. I can't imagine a young man like him watching his wife lose her senses."

"Wala na akong magagawa, doc. Alam 'nyo naman ang plano ni Olivia sa umpisa pa lang. Max came into her life and changed her in many ways but that didn't change her plans."

"That's sad to hear. I just hope she changes her mind."

"Ako rin, doc," mahinang sabi ni Kelly.

"You know where I am and you have my number. Don't hesitate to call me, okay?"

Tumango si Kelly at umalis na ang doctor. Pabalik na siya sa kwarto ni Olivia nang masalubong niya ang papalabas na si Max.

"Tita, tatawagan ko lang po si mommy. She wanted to know how Olivia is." Ang sabi nito.

"Sige, Max," sagot ni Kelly.

Pagpasok ni Kelly sa kwarto ay naghihintay na dito si Olivia.

"Ano po ang sinabi ng doctor, aunt Kelly?"

Lumapit si Kelly at naupo sa dulo ng higaan.

"The same as usual. Tinanong niya kung hindi pa rin ba nagbago ang isipan mo."

Hindi sumagot si Olivia. Napatingin siya sa labas ng bintana.

Alam naman ni Kelly ang ibig sabihin ng pananahimik ng pamangkin kaya't hindi na niya ito muling tinanong.

"Isang napakabait na tao ang napangasawa mo, Olivia. Bilib ako sa suporta na ibinibigay niya sa'yo. He's a really responsible at his young age."

Alam ni Olivia na responsible si Max. The way he works hard at the cafe is enough proof.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon