30: Brownies and Seizures

3.2K 159 20
                                    

Hi lovely reader! Again this is raw and unedited. Abangan n'yo po ang next chapter this Sunday!



"Aalis ka na?"

Pababa si Olivia ng hagdan nang sinalubong siya ng kanyang tiyahin. Hawak nito ang isang gift bag.

"Yes, aunt Kelly," sagot niya.

"You look nice," ang sabi nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

"Thank you po," sagot niya. She's wearing a short denim dress and a pair of white sneakers.

"Pakibigay nalang nito kay Iris. Tell her happy birthday."

Tinanggap ni Olivia ang gift bag mula sa tiyahin. "Okay po. I will."

"Are you sure na hindi ka na magpapahatid?"

"Opo."

"Did you take your meds?"

Tumango si Olivia. Nag-aalala na naman ang tiyahin niya.

"Ang mga alarm sa wristwatch mo? Na-set mo na ba?"

"Aunt Kelly, I'm fine. Kaya ko po ang sarili mo," sagot niya.

"Anong oras ka uuwi?"

"Um...nine-ish?" Sagot niya habang nakatingin sa relos. Mag-a-alas sais na pala.

"Okay," ang sabi ng tiyahin niya. Tila nakuntento naman ito sa mga sagot niya.

"Aalis na po ako." Lumapit siya sa tiyahin at hinalikan ito sa pisngi.

"Do you want me to call you a taxi?" Tanong nito habang inihahatid siya sa pintuan.

"Aunt Kelly, I'm—"

"Yes, you're fine. Okay, okay." Nakataas ang dalawang kamay ng tiyahin niya habang nagsasalita. It's like she's giving the total control of her life.

Ngumiti lang si Olivia pagkatapos ay umalis na. Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang tiyahin. Nasa side walk na siya nang marinig niyang isinara na nito ang pinto ng bahay nila.

Mabilis namang naglakad papalayo si Olivia. She's about two blocks away from their home nang makita niya ang pickup truck ni Max. Napangiti siya. Naalala niya ang note na iniwan nito sa bedside table niya kaninang umaga.

"Hi, babe!" She greeted him when she opened the door. Nang makapasok ay hinalikan niya ito sa pisngi. Napansin niyang hindi ito nakangiti. Siguro ay problema ito sa cafe. "Are you okay?"

Hindi sumagot si Max. Sa halip ay pinaandar nito ang sasakyan at nagmaneho.

Nag-aalala si Olivia habang nakatingin sa boyfriend. She's wondering what's making him upset?

"I have a new dress," sinubukan niyang pasayahin ito. "Tita Kelly said—"

"I can't do this anymore, Olivia."

Napatigil siya sa sinabi nito. Kinabahan siya.

"What? Are-are you breaking up with me?"

Saglit na napatingin si Max sa kanya. Pagkatapos ay napatingin muli ito sa daan.

"Breaking up? I'm not breaking up with you."

"Sabi mo kasi—"

"Ayoko ng ganito, Olivia. I hate sneaking out like thieves. I hate lying to tita Kelly. Kailan ba natin siya kakausapin?"

Ang akala ni Olivia ay kung ano na. "In the right time, Max."

"When is the right time?" The traffic light is red and he's now giving her his full attention.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon