Salamat sa pag-aabang. Here's the next chapter. I hope you'll love it. :)
"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Mag-ingat ka kasi."
Nanatiling nakayuko si Olivia habang pinagsasabihan ng tiyahin. Alam niyang magagalit ito dahil sa sugat niya sa tuhod.
"Ano bang nangyari sa'yo at nasugatan ka?" Tanong ng tiyahin niya.
"Nagmamadali po kasi ako kaya nadapa ako," pagsisinungaling ni Olivia. Kung sasabihin niya ang totoo ay tiyak niyang ililipat siya nito sa ibang school at ayaw niyang mangyari 'yon.
Napailing lang ang tiyahin niya. Ayaw na ayaw nito ang sermonan siya pero minsan naman kasi ay matigas ang ulo niya.
"Just..."Napabuntong hininga ito na tila ba pinipigilan ang sarili. "Just be careful, okay? Sa susunod na masusugatan ka ay ililipat na talaga kita sa ibang school."
"Yes, aunt Kelly," mahina niyang sagot. Ayaw niyang lumipat ng ibang school. She doesn't want to start over again. At isa pa, si Max lang naman ang ayaw niya sa school niya ngayon. She can live with that. Kaya niyang iwasan si Max. Hindi siya natatakot dito.
"Olivia?"
Nag-angat ng tingin ang dalaga at nasalubong ang nag-aalalang mga mata ng tiyahin.
"I think I found him," ang sabi nito.
Kumunot ang noo ng dalaga. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Tama ba ang iniisip niya.
"I was able to track his previous employer. Matatagalan ako sa pag-uwi mamaya. Makikipagkita ako sa—"
"You found dad?" Mabilis na tanong ni Olivia. Kumikislap ang mga mata niya sa narinig. Excitement written all over her face.
"Huwag ka munang umasa. Don't be too excited. Hindi naman ama mo ang kakausapin ko. 'Yong dati niyang amo ang nahanap ko," ang sagot ng tiyahin niya.
"Kahit na po. Masaya lang ako at may nahanap na kayong impormasyon tungkol sa kanya," masaya niyang sagot.
Isa sa mga rason kung bakit sila bumalik ng Pilipinas ay para hanapin ang ama niya. Ni minsan ay hindi niya pa ito nakikita.
Hindi ikinuwento ng aunt Kelly niya kung paano nagkakilala ang mga magulang niya. Ang alam niya lang ay kamukha siya ng kanyang ama. Nag-aaral sa kolehiyo ang mommy niyang si Katie nang makilala nito ang ama niyang si Carlos. He was the kindest person she's met. Pero ayaw ng mga lola at lola ni Olivia sa kanyang ama.
Mahirap lang si Carlos habang mayaman ang mga magulang ng mommy niya. Nagtatrabaho bilang isang janitor ang kanyang ama sa kolehiyong pinapasukan ng mommy niya. Janitor sa umaga, studyante naman sa gabi. They were of the same age pero dahil sa kahirapan ay nahirapang magtapos ng high shool ang ama niya. He was still finishing high school while her mom was graduating in college. Nang malaman ng mga lola at lolo ni Olivia ang relasyon ay ipinagdadalantao na siya ng kanyang mommy.
Her mom was sent away to the States kung saan ipinanganak si Olivia. Hindi na muling nagkita ang mga magulang niya. Hanggang sa mamatay ang mommy niya nang anim na taon pa lang si Olivia.
"Huwag mong kalimutan ang mga gamot mo. Remember to take each one of them," paalala ng tiyahin niya na nakapagpagising sa kanyang malalim na pag-iisip.
Ngumiti si Olivia at tumango.
"Opo, aunt Kelly," ang sagot niya.
Nang gabing 'yon ay hindi makatulog siya makatulog. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Dati ay madali lang siyang nakakatulog. Dumampi lang sa unan ang ulo niya ay bumibigat na kaagad ang kanyang mga mata. Ngunit sa mga nakalipas na mga araw ay hindi siya makatulog sa tamang oras. Kagaya ngayon. Kanina pa siya nakahiga sa kama habang palipat-lipat ang mga mata niya sa tatlong alarm clock na nasa side table. Pink, blue and green. Two hours from now the pink alarm clock will go off kaya't kailangan na niyang matulog.
BINABASA MO ANG
Love, Pixie (COMPLETE)
ספרות נוערOlivia has a secret. A secret she has been keeping for years. Ang sabi ng mga doctor, she's one in a hundred million. She cannot feel pain. Kahit i-torture pa siya ay wala siyang mararamdaman. Olivia is determined to do everything she can to keep h...