6: Welcome To Hell

4.7K 191 8
                                    

As promised, heto na ang bagong chapter. Enjoy!


"Olivia, ano bang sinabi ko? Stop looking at him," mahinang sabi ni Iris. Natatakot ito na marinig ng katabing table ang kanilang pinag-uusapan.

Hindi naman nakinig si Olivia. She continued looking at Max na nakatayo malapit sa pintuan.   May hawak itong kulay blue na megaphone. Kasama nito ang tatlong galamay nito. May sinabi ang isang kasama nito dahilan kung bakit bigla itong tumawa ng malakas.

"Para siyang demonyo kung tumawa," wala sa sariling sabi ni Olivia.

"Olivia! Ano ba?!"

Nagkibit-balikat ang dalaga. Hindi pinansin ang sinabi ni Iris.

"Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mo siya. I understand girls who like bad boys but Max is not just a bad boy. Isa siyang bully. He's terrorizing everyone in school," ang sabi ni Olivia na nakatingin pa rin sa tumatawang si Max.

"He's cute," mahinang sabi ni Iris.

"Cute? Sa tingin mo cute pa rin siya kahit binu-bully na niya ang lahat ng studyante rito?"

Sasagot na sana si Iris para ipagtanggol si Max ngunit natigil ito sa pagsasalita nang marinig nilang nagsalita sa megaphone si Max.

"Watch out! May baboy na paparating. Umorder na kayo bago kayo maubusan," ang sabi nito sabay tawa.

Napatingin si Olivia sa babaeng tinawag ni Max na baboy. Hindi naman ito ganoon kataba para tawaging baboy. She's just chubby.

"May tinawag siyang baboy. You still think that's cute?" Inis na tanong ni Olivia.

Hindi sumagot si Iris. Nakayuko ito habang kumakain.

"Hindi ako galit sa'yo, okay? Wala akong pakialam sa type mo sa mga lalaki. Pero si Max? He's just...he's so annoying," sabi ni Olivia. Ayaw niyang isipin ni Iris na galit siya. "Siguro takot ka lang sa kanya kaya't crush mo siya."

"Kumain ka na nga lang, Olivia. Pasalamat ka't hindi ka inaano ni Max," sagot ni Iris.

"Yan ang akala mo. Alam mo ba na siya ang dahilan kung bakit ako nadapa at nasugatan sa tuhod. He tripped me!"

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Iris. Nanlaki ang mga mata nito.

"I...um..." hindi malaman ni Olivia ang isasagot. Siya man ay nagulat sa sinabi niya. She promised herself not to tell anyone about it pero hindi na niya nakontrol ang sarili niya.

"May iba pa ba siyang ginawa sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Iris.

Umiling siya. Naalala niya ang ginawang paghabol sa kanya ni Max kahapon. Hindi na niya ito kailangang ikuwento kay Iris. Tila wala namang naalala si Max tungkol sa nangyari kahapon. Hindi nga siya pinansin nito sa classroom kanina.

"Kailangan mong mag-ingat, Olivia. Hindi mo kilala si Max."

"Alam mo, nalilito talaga ako sa'yo. Dati kung makapag-kuwento ka tungkol kay Max ay parang baliw na baliw ka sa kanya. First day of school wala kang ibang bukambibig kundi si Max. You were all praises about him. Pero ngayon, ba't parang tinatakot mo ako?" Nalilitong tanong ni Olivia.

"Basta mag-ingat ka. Just keep your head down. Huwag kang makialam. Try not to get his attention."

Olivia rolled her eyes.

"Ano ba 'to? Reboot ng Meteor Garden, Hana Yori Dango at Boys Over Flowers?"

Natawa si Iris sa sinabi niya. Nawala ang pag-aalala sa mukha nito.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon