19: Daddy's Girl

4.2K 224 20
                                    

This chapter is dedicated sa pinakamakulit kong reader @Miksteriouslae. Hahahah



Olivia took a deep breath. Kinakabahan siya at hindi mapakali. Kanina pa niya pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng peach, A-line dress na hanggang tuhod. Sleeveless at may scooped neck ang lacy na pangtaas habang layered tulle naman ang skirt. She can't believe that she looks like a princess.

She's touching her hair again. Maayos naman ang buhok niya. Medyo mahaba na nga ito. She has to tuck in a few strands that escaped to the back of her ears. Her makeup is just light. Hindi kasi siya sanay magmakeup. 

She hooked a pair of diamond stud earrings to her ears. Iyon lang ang alahas na isusuot niya. She doesn't want to look like she's trying hard.

Pagkatapos maikabit ang mga hikaw ay muli niyang pinagmasdan ang sarili. Nami-miss na niya ito. Ang magbihis ng magara. Hindi na niya maalala ang huling pagkakataon na nagbihis siya ng ganito.

"I hope he likes me," malakas niyang sabi. Kinakabahan talaga siya. 

Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng tiyahin sa baba. Lumabas siya ng banyo at kinuha ang kanyang nude pumps. Isinuot niya ang mga ito, kinuha ang kanyang silver purse at lumabas na ng kwarto.

Naghihintay na si aunt Kelly sa baba ng hagdan. Napangiti ito nang makita siya.

"Wow! Oliva! You look so lovely!" hindi makapaniwalang sabi nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

"Is my dress too much? Baka kasi—"

"You're perfect!" Putol ng tiyahin niya. "Halika na at baka mahuli pa tayo."


***


Huminto ang sasakyan ng aunt Kelly niya sa isang napalakalaking bahay. Sa laki nito ay hindi na ito basta-bastang bahay. It's a mansion. A very beautiful mansion.

Pagkababa nila sa sasakyan ay sinalubong sila ng valet parking attendant. Ibinigay ng tiyahin ang susi sa attendant pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng mansion. Hindi naman makapaniwala si Olivia sa nakikita niya. Napahanga siya sa magagarang kagamitan at dekorasyon sa loob ng mansion. 

Sinalubong sila ng isang nakaunipormeng usher at sinundan nila ito patungo sa napakalaking ballroom.

When the doors opened, Olivia felt like she was transported into a different place. Everything was so elegant— from the white ceiling draping to the gold polished floors. There were gold painted tiffany chairs surrounding the round tables that are covered in immaculate white cloth and adorned with very tall vases and white flowers. And the people sitting on the chairs, they were so elegantly dressed! 

Napangiti si Olivia. Sa nakikita niya ay alam na niyang white and gold ang motiff ng party na kanilang dinaluhan.

"Kaninong birthday party nga itong dinadaluhan natin, aunt Kelly?" Hindi mapigilang tanong ni Olivia.

"It's not a birthday party. It's a wedding reception. Hindi ko ba nasabi sa'yo?"

Umiling si Olivia. Kung nasabi man ng tiyahin ay nakalimutan na niya.

"Just stay here, okay? Don't go anywhere. Mr. Frederick just texted me. Pupuntahan ko lang siya," ang sabi ng kanyang tiyahin habang binabasa ang katatanggap lang ng text. Pagkatapos ay niyakap siya nito. "I know you're excited but as I've told you, he might not be here tonight."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon