33: Decisions

3.6K 200 42
                                    

Raw and unedited. :)



Max woke up with a very bad headache. Pakiramdam niya ay mahahati sa dalawa ang ulo niya sa sakit. His mouth feel dry. Uhaw na uhaw siya.

Bumangon siya at naupo. Nasa kanyang kwarto siya. Kung paano siya nakarating doon ay hindi niya alam. He decided to stand up para kumuha ng tubig pero biglang umikot ang paningin niya. Wala siyang nagawa kundi humigang muli. Matutulog na lamang siya hanggang sa mawala ang sakit ng ulo niya.

But he' so thirsty.

Iniisip pa niya kung anong gagawin nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Una niyang nakita ang dalawang kamay na may hawak na isang tray ng tubig, juice at pagkain.

The smell of food invaded his noise. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Saka pa lamang niya napansin ang may dala ng tray nang magsalita ito.

"Glad you're up."

Nag-angat siya ng tingin.

"Mom?"

Kung ganoon ay totoo pala ang naalala niya. He can remember looking up at his mom's face. Akala niya ay panaginip lamang iyon.

"Akala ko next week ka pa dadating."

"I wanted to surprise you kaya umuwi ako ng maaga," sabi ng mommy niya habang inilatag sa bedside table ang dala nitong tray. "Sa halip ay ako pa ang nasurpresa."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pero sa halip na magtanong ay pinili niyang manahimik. He's really thirsty. And hungry.

Nabasa naman ng kanyang mommy ang kanyang iniisip. She gave him the glas of water.  Pagkatapos ay ang platong may lamang almusal.

"You must be really hungry."

Hindi sumagot si Max. Ininom niya ang tubig at nag-umpisang kumain.

"Dahan-dahan lang, Max," tumatawang sabi ng mommy niya.

Tumango lang si Max at nagpatuloy sa pagakain. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong gutom sa buong buhay niya. Malapit na niyang maubos ang kanyang pagkain nang muling magsalita ang mommy niya.

"Is everything okay, Max?"

"Yes, mom. Sorry. I'm just really hungry," sagot niya.

"I'm talking about last night."

Napatigil si Max. He continued chewing and then swallowed before asking, "What about last night?"

"I didn't know my son can cry like that."

'What?!" Gulat na tanong ni Max. Ano bang nangyari kagabi? Nag-aalala tuloy siya.

"It's okay. Your dad cries too when we fight," tumatawang sagot ng mommy niya.

Umiyak ba siya kagabi? No way!

"So who is she?"

Kumunot ang noo ni Max. Tuluyan na siyang nalito.

"What do you mean who?"

"Who's the girl who made my son cry like a baby?"

Girl? He cried like a baby? Umiling siya. Hindi totoo ang sinasabi ng mommy niya. He will never cry just because of a girl.

"Was it Olivia?" Tanong ng mommy niya.

Nanlaki ang mga mata ni Max.

"Do you want me to tell you what happened?"

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon