22: Rumors

4.1K 186 12
                                    

Hello, lovely reader! Heto na ang latest chapter! :)


"That's what he told me."

Napatitig si Max kay Olivia. Ine-enjoy ni Olivia ang malapit nang maubos na milkshake. Nasa cafe sila at nag-uusap. Isang platito ng half-eaten chocolate cake at isang platito ng cookies ang nasa gitna ng mesa nila. 

"That's not true," ang sabi ni Max. Ikinuwento kasi ni Olivia ang sinabi ni Brett tungkol sa kanya at kay Summer. Hindi siya makapaniwala na iniba ni Brett ang kuwento. Brett made him the villain. 

"Eh, ano pala ang totoo?" Tanong ni Olivia habang pinaglalaruan ang straw ng milkshake.

"Totoo na magkaibigan kami dati. We knew each other since we were kids. Sobrang close namin pero nagbago iyon nang mapangasawa ng daddy ni Brett ang mommy ni Lorenzo. You see, Lorenzo's family is rich. Brett became cocky overnight. It was like won the lottery," kuwento niya kay Olivia.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo binubully si Lorenzo? Because of Brett?"

Hindi siya nakasagot kaagad. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Naging malapit sila sa isa't isa ni Olivia nitong mga nakalipas na mga araw at ayaw niyang masira iyon. Kaya't minabuti niyang sabihin ang totoo.

"I bullied him because I just wanted to. I just got bored. Napag-tripan namin siya ng mga kaibigan ko. Noong una hindi ko kilala si Lorenzo. Nang malaman kong related sila ni Brett, lalo akong nainis sa kanya. Lalo namin siyang binully." Habang nagsasalita siya at binabantayan niya ang reaksyon sa mukha ni Olivia. Bahagya siyang kinabahan nang makitang nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "But I will never bully him again. I already promised that I'm not going to bully anyone."

"Dapat kang humingi ng tawad kay Lorenzo. Hindi mo lang alam kung anong epekto ng bullying sa mga binubully mo," ang sabi ni Olivia.

"I know. I'm sorry," mahinang sabi ni Max. Nahihiya sa sinabi niya kay Olivia.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry sa akin. I already forgave you," sagot ng dalaga at ngumiti. Pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagtatanong. "Totoo ba na may gusto ka kay Summer?"

He opened his mouth but no words came out. Nagulat siya sa tanong ni Olivia. Hindi dahil sa tanong nito kundi dahil sa straightforward na pagtatanong nito. She can make any guy blush.

"You're blushing," natatawang sabi ni Olivia. Pinatunayan nito nga nagba-blush nga siya.

"Do you still like her?" Tanong ni Olivia nang hindi siya sumagot. Nakatitig ito sa kanya habang naghihintay ng sagot.

"Hindi na," sagot niya sabay tawa.

"Pero totoong dati ay may gusto ka sa kanya?"

Tumango si Max at naalala ang una nilang pagkikita ni Summer. "I was fifteen when I first saw her. At naisip ng batang puso ko na siya na ang pinakamagandang babaeng nakita ko. We instantly clicked. Madalas kaming magkasama. At that time ay abala si Brett sa mga pagbabago sa buhay niya. It was that time his dad married Lorenzo's mom. Things changed when Brett saw Summer. Unti-unting lumayo sa akin si Summer hanggang naging sila na nga ni Brett. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni Brett kay Summer. She just told me that her heart belongs to Brett. And the rest is history."

Nakapangalumbaba si Olivia habang nakatingin sa kanya. She looked worried.

"Ang sabi ni Brett una raw niyang nakilala si Summer. Siniraan mo raw siya kay Summer pero hindi naniwala si Summer sa'yo," sabi nito.

"Ikaw? Naniniwala ka ba sa akin?" Tanong niya. Nagtataka pa rin siya kung bakit pumayag ito sa suhestiyon niyang plano.

Tumango-tango si Olivia. She took the straw in her mouth and loudly sipped her milkshake. Pagkatapos ay nagsalita ito. "Ikaw lang ang kilala kong nakasama ng daddy ko noong buhay pa siya kaya naniniwala ako sa'yo."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon