13: Tutorial

4.4K 186 13
                                    

Hi, lovely reader. Here's the latest update. I hope you like it. BTW, if we're not friends on FB yet, please add me. I'll be having a book giveaway contest once TPS will be published and I'd like you to join. :)


Pagpasok ni Olivia sa gate ng paaralan ay si Brett ang una niyang nakita. Nakatayo ito at tila may hinihintay. Nang makita siya ng binata ay ngumiti ito at kinawayan siya. Hawak ng kaliwang kamay nito ang isang pulang rosas.

"Hi!" Ang sabi nito nang makalapit si Olivia.

"Hi, Brett," mahina niyang sagot. Alam niya kung bakit siya inaabangan nito. 

"Para sa'yo," ang sabi nito at ibinigay sa kanya ang hawak na bulaklak. "I'm really sorry about what happened yesterday."

Ilang beses na ba itong nag-sorry sa kanya? Ilang beses na siya nitong t-in-ext at tinawagan para lang magsorry sa nangyaring slap off competition nila ni Summer. Hindi naman kasalanan ni Brett ang nangyari. Ang tangi niyang kasalanan ay ang pagkakaroon ng emotionally unbalanced at possesive na ex-girlfriend.

"Thank you," ang sagot niya at tinanggap ang bulaklak. On an instinct ay inamoy niya 'yon at napangiti siya. At least ay gumagana pa ang ilong niya. But her tongue? Walang improvement. She can't taste anything. 

Nagsimulang maglakad patungo sa kanyang classroom si Olivia. Sumabay naman sa kanya si Brett.

"Are you okay?" Tanong nito sa kanya.

"Oo, okay lang ako," ang sagot niya. Kung ang ibig sabihin ng binata ay ang mga pisngi niya na pinaulanan ni Summer ng sampal kahapon ay okay lang. Pero ang dila niya na hindi pa rin nakakalasa, 'yon ang hindi okay.

Hindi niya alam kung anong nangyari. She doesn't know what triggered it. Sa totoo lang ay takot na takot siya. Siguro ay nangyayari na ang sinabi ng mga doctor dati at nakadagdag 'yon sa takot niya.

Hindi pa niya nasasabi sa tiyahin ang nangyari sa kanya. Ayaw niya itong mag-aalala. She knows her aunt will be devastated kaya't hangga't maaari ay itatago niya muna sa sarili ang kawalan niya ng panlasa.

"Kumusta si Summer?" Ang tanong ni Olivia. Sinabi kasi ni Brett sa text na kakausapin nito ang ex-girlfriend.

"Hindi siya makakapasok ngayon. Masakit pa raw kasi ang pisngi niya."

Natawa si Olivia. Hindi na niya napigilan ang sarili. Isang sampal lang naman ang natanggap ni Summer mula sa kanya.

"I know, I know. Summer is so dramatic," natatawang sabi ni Brett. "Nagpapansin lang 'yon.  Alam kong gusto niya lang akong makita."

"Siguro ay dapat makipagkita ka sa kanya," ang sabi ni Olivia. Baka kasi sugurin na naman siya ni Summer. Mas mabuti na 'yong malinaw sa kanila ang lahat.

"I will but not now," mahinang sabi ni Brett. 

"Please tell her that I'm not trying to steal you from her."

Brett let out a nervous laugh. Napailing si Olivia. Kahit sinong lalaki na may unstable ex-girlfriend katulad ni Summer ay kakabahan.

"Hindi naman 'yan ang problema ko, Ollie. She knows you're not trying to steal me from her. Ang akala kasi ni Summer ay magkakabalikan din kami. It has always been like that before. Akala niya siguro ay hindi ko siya kayang palitan. But everything changed nang makilala kita."

Napapikit si Olivia sa narinig. Wala pang lalaking nakapagsabi sa kanya ng ganoon at inaamin niya, those words sounded so good to her ears.

Napatigil sa paglalakad si Olivia nang hinawakan ni Brett ang kamay niya. Hinarap niya ang binata at nararamdaman niya ang paglakas ng kabog ng dibdib niya.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon