18: Story of My Life

4.3K 195 18
                                    

I'm sorry this is unedited. Will edited this later. :(


Excited si Max habang naghihintay sa arrival area ng NAIA-1. Hindi siya makatulog kagabi dahil sa excitement na nararamdaman para sa pagdating ng nakatatandang kapatid na si Alexander or Axle as he calls him.

Axle is four years older than him. When Max was four years old, he cannot pronounce Alexander's name. He always called him Axle. And that's how his older brother got his nickname.

They were very close. Axle was always there for him except for the time when he went to college. Dati ay madalas pa itong umuuwi. Ngunit habang nagiging abala na ito sa pag-aaral ay paminsan-minsan na kung umuuwi.

That's why he's so excited. Axle's coming home is a surprise.

Inisa-isa ni Max ang mga kadarating lang na mga pasahero. It took him a while to find his brother. Nang makita niya ito ay napangiti siya.

"Axle!" Tawag niya at kinawayan ang kapatid.

Napatingin si Axle sa direksyon niya at napangiti. Binilisan nito ang paglalakad habang hila-hila ang dalang luggage.

"Maximillian!" Ang sabi ni Axle at niyakap ang kapatid.

"I can't believe you're really here," ang sabi niya habang niyayakap ng mahigpit ang kapatid. Talagang na-miss niya ito.

"Parang tumangkad ka yata. We're of the same height now," ang sabi ni Axle at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. "At mukhang mas guwapo ka pa sa akin, ah!"

Ngumiti si Max at napakamot sa kanyang ulo. Totoong kasing-tangkad na siya ng kapatid pero hindi totoong mas guwapo pa siya rito. Axle has always been the good looking one.

"That's not true," tumatawa niyang sagot.

"Of course it is! So, ilang babae na ba ang napaiyak mo?" Pagbibiro ni Axle.

Umiling lang si Max.

"None," sagot niya.

"I don't believe you!" Mabilis na sagot ni Axle.

"I'm not as smooth as you. Girls hate me," sagot ni Max. At hindi niya alam kung bakit pero bigla niyang naalala si Olivia.

"Sayang ang dami ko pa namang dalang chocolates."

"Chocolates?" Nagtatakang tanong ni Max.

"Yes, to impress girls. You know girls can't resist chocolates."

Tumawa si Max. Hindi pa rin nagbabago ang kapatid. Matinik pa rin ito sa mga babae.

"Too bad. Parang sasakit ang ngipin ko nito. I'll just eat the chocolates myself."

Inakbayan siya ng kapatid as they went to the exit.

"Don't be ridiculous. Hahanap tayo ng babaeng pagbibigyan mo ng chocolates."

***

They got stuck in traffic for almost three hours. Kung mag-isang nagmamaneho si Max malamang ay galit na galit na siya. But he's with Axle kaya't balewala sa kanya ang traffic.

They talked about a lot things. About Axles girls and education. Wala namang masyadong naekwento si Max. Masaya siya habang nakikinig sa kapatid.

After talking a lot of things about himself, pinilit siya ni Axle na magkuwento tungkol sa mga babae sa buhay niya. Hindi pa rin ito naniniwala na wala siyang girlfriend. Napilitan tuloy siyang ikuwento si Olivia.

He told him everything about Olivia. About how they met, how he bullied her and him discovering her illness. Axle was amazed.

Naikuwento ni Axle na dati ay may nakita siyang documentary tungkol sa isang batang babaeng may CIP. He thought it was fascinating. Hindi siya makapaniwala na totoo pala ang karamdamang 'yon.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon