37: Married

3K 140 15
                                    



"Did I hurt you?"

Napangiti si Olivia habang nakatingin kay Max. His forehead glistening with sweat. Siya man ay pinagpawisan din.

"You know you could never hurt me...physically," sagot niya. Sumuksok siya sa may leeg ni Max at inilagay ang kaliwang kamay sa dibdib nito. Max instantly pulled her closer.

They're both lying in bed with Olivia's head on Max's chest. Pakiramdam ni Olivia ay napakabilis ng mga pangyayari. A week ago ay nag propose si Max sa kanya. Three days later they got married and now here they are in a romantic hotel in Paris for their honeymoon. She wants to go outside and explore the sights but Max wants to stay inside and spend time with her.

Tumawa si Max. Nang tiningnan ito ni Olivia ay nakita niya itong nakataas ang kaliwang kamay at tinititigan ang suot na wedding ring.

"I can't believe I'm married at 18. Never in my wildest imagination." Nakangiting sabi ni Max.

Itinaas na rin ni Olivia ang kanyang kaliwang kamay at itinabi sa kamay ni Max.

"I never thought that I'd get married. Ever. Wala sa plano ko. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko," mahina niyang sabi.

Hinawakan ni Max ang kamay niya at hinagkan.

"Nagsisisi ka ba?"

"Na pumayag ako na magpakasal sa'yo?"

Umiling si Max. He rubbed her hand against his cheek.

"Na nakilala mo ako."

Napaisip si Olivia. Nagsisisi nga ba siya? May dapat ba siyang pagsisihan?

"Naging mas makulay ang mundo ko nang makilala kita, Max. I found a reason to look forward to the future. I'd never imagine that someone will love me, let alone marry me. Ako na yata ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo."

"And I am the luckiest man in the world," sagot ni Max. Hinila siya nito papalapit at hinagkan sa noo.

And for awhile, they lay there in silence. Listening to their breathes, to the rise and fall of their chests. Habang tahimik silang dalawa ay iba-iba naman ang tumatakbo sa isipan nila. Max is thinking on how to keep this moment forever while Olivia is thinking on how to make him move on when she's gone.

"Max?" Mahina niyang sabi.

"Hmm?"

"Can I tell you something?"

Humugot ng malalim na hininga si Max bago sumagot. Nakahiga pa rin si Olivia sa ibabaw ng dibdib nito kaya't naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso nito.

"Ano yun?"

"I want you to promise me that when I'm gone, you'll finish school and fall in love again."

Hindi sumagot si Max. At kahit hindi ito magsalita ay nararamdaman ni Olivia ang kalungkutan mula rito.

"Fall in love as many times as you want."

"You want me to forget you?"

Umiling siya. Hindi iyon ang gusto niya.

"I want you to move on. Kahit na sinong babae ang gusto mong mahalin, okay lang sa akin. Basta ang gusto ko, magmahal kang muli. I don't want you to spend the rest of your life mourning."

"Yan ba ang dahilan kung bakit meron kang listahan ng mga pangalan ng mga babae?"

Napabangon si Olivia.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon