Hello lovely reader! Salamat sa paghihintay! Here's the next chapter. Sana ay magustuhan mo!
"If you don't have any questions then copy everything on the board. I'm going to the principal's office. Babalik din ako kaagad."
Napatingin si Olivia sa dami ng nakasulat sa whiteboard. Ayaw niyang kopyahin ang mga ito dahil naintindihan niye naman ang lesson ni pero kinopya niya pa rin ang mga ito. Naisip ng dalaga na baka makalimutan nya ang itinuro ni Miss Diestro. Mas mabuti na ang may kopya.
"Ang ganda ng buhok mo."
Napatingin si Olivia sa katabi na nagsalita. Isang napakalaking ngiti ang naghihintay sa kanya nang mapatingin siya rito.
"Olivia, right?" Ang tanong nito sa kanya.
Tumango si Olivia at ngumiti. Pinagmasdan niya ang kaharap. Maganda ang mga mata into sa likod ng makapal na eyeglasses. Nakatali ang itim at mahaba nitong buhok.
"Alam mo, nakita ko sa internet 'yang hairstyle mo. 'Yong pixie hair ba ni Anne Hathaway ang pinagbasehan mo?"
Umiling si Olivia. Iniisip kung paano niya ipapaliwanag dito ang kanyang buhok.
"Hindi," ang tangi niyang sagot. Hindi pa siya handang ipaliwanag dito ang tungkol sa buhok niya kaya't iniba niya ang usapan. "Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Ha? Nakalimutan ko bang sabihin?" Natatawang tanong nito sa kanya. "Iris. Iris ang pangalan ko."
Nagliwanag ang mukha ni Olivia sa narinig.
"Iris like the song by Goo Goo Dolls?" Naging excited ang dalaga sa narinig. "Oh my god! I like you already. Puwede ba tayong maging bestfriends?"
Nagulat si Iris sa narinig. Kumunot ang noo nito pero napangiti pa rin.
Hindi na nabigla si Olivia sa nakitang reaksyon ni Iris. Siguro ay na-we-weirdohan ito sa kanya. Hindi niya kasi maiwasang magkuwento sa paborito niyang dekada.
"Iris is one of my favorite songs from Goo Goo Dolls."
Tila naman nakakita ng alien si Iris sa narinig. Nalilito ang mukha nito habang nakatingin kay Olivia.
"Ha? Ang alam ko lang dapat 'Irish' ang pangalan ko kaya lang nagkamali yata sa pagsulat sa birth certificate ko. Nawala 'yong 'h' kaya't naging 'Iris'. Sorry ha, wala akong alam na sa kanta na sinasabi mo," paliwanag ni Iris sa kanya.
"Seriously?" Tumaas ang boses ni Olivia sa narinig.
"Shhh," natatawang sabi ni Iris sa kanya.
"Sorry," ang sagot ni Olivia. Mabuti na lang at hindi siya pinansin ng mga kaklase nila na abala sa pagsusulat.
"Sige nga. Ikuwento mo sa akin ang tungkol sa kantang pinagsasabi mo."
"Well, gaya ng sabi ko, it's a song by Goo Goo Dolls na isang alternative rock band of the 1990's," umpisa ni Olivia. Excited siyang ikuwento dito ang alam niya tungkol sa kanta.
"Alternative rock?" Natatawang tanong ni Iris.
Naiintindihan naman ni Olivia kung bakit ito natatawa. Hindi na kasi uso ang rock songs ngayon sa generation niya.
"Oo. Pero hindi maingay 'yong kanta," sagot niya at iniisip kung paano ipapaliwanag dito ang kanta. "It's a love song but at the same time..."
Napatigil si Olivia nang makitang tila nababagot na si Iris sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Love, Pixie (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsOlivia has a secret. A secret she has been keeping for years. Ang sabi ng mga doctor, she's one in a hundred million. She cannot feel pain. Kahit i-torture pa siya ay wala siyang mararamdaman. Olivia is determined to do everything she can to keep h...