9: Homework

4.2K 202 9
                                    

Heto na ang bagong chapter. Pasensiya na at natagalan. Sana ay magustuhan ninyo. :)


Mag-isang nakatayo at naghihintay sa labas ng gate ng kanilang school si Olivia. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang aunt Kelly. Suot niya ang kanyang pink na headset at nakikinig ng music. This time, Eraserheads naman ang pinakikinggan niya. Torpedo on loop. 'Yon kasi ang paborito niya sa mga kanta ng banda.

Bigla niyang naalala ang aunt Kelly niya. Paborito rin nito ang Eraserheads. Naalala niya ang nakakatawang mukha ng tiyahin habang kinakanta ang paborito nitong Ligaya. Napatawa siya ng malakas. Napatingin tuloy sa kanya ang iilang studyanteng dumaraan. Iniisip siguro ng mga ito na nababaliw na siya.

She was still smiling nang may naramdaman siyang kamay na umakbay sa kanya. Bigla siyang kinabahan nang may naramdaman siyang tumabi sa kanya. Mabilis niyang nilingon ang bagong dating.

Thank god it's Brett! Akala niya kasi si Max na naman.

"Ollie," nakangiting sabi ni Brett na nakaakbay pa rin sa kanya.

Lalong lumapad ang ngiti ni Olivia. Gustong-gusto niya kapag tinatawag siya ni Brett ng 'Ollie'. 'Yon din kasi ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya sa States.

"Ang tagal na nating hindi nagkikita, ah. Hinahanap kita sa canteen tuwing lunch time but you're not there," ang sabi nito at inalis ang kamay mula sa balikat ng dalaga.

Nagkibitbalikat si Olivia. Isa lang naman ang dahilan kung hindi na siya kumakain sa canteen.

"I was hiding from Max," mahina niyang sabi. Natatakot siya na baka marinig siya ni Max at bigla itong dumating. Alam niyang hindi naman mangyayari 'yon. Impossible namang marinig siya ni Max pero mas pinili niyang hinaan ang boses habang binabanggit ang pangalan nito.

"Ah," ang sagot ni Brett. Alam na kaagad nito ang ibig niyang sabihin. "I'm sorry kung ikaw ang pumalit kay Lorenzo."

Hindi siya sumagot. Masaya siya at hindi na binubogbog ni Max at ng mga kaibigan nito si Lorenzo pero malungkot siya dahil siya naman ang binu-bully ni Max.

The day after Max announced that she's the new Lorenzo at hindi nag-aksaya ng panahon si Max. Ginawa siyang utusan nito. He made her carry his backpack. Kahit nasa loob ng classroom ay hindi pa rin siya tinigilan ni Max. There was one time na sinulatan ni Max ang likod ng leeg niya ng "Pixie" gamit ang isang marker. It took her almost an hour to remove it. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Iris.

At iba pa ang nangyayari sa canteen. Max would force her to eat. O-order ito ng marami at ipapakain sa kanya. She ended throwing up in the canteen while Max and his friends were laughing at her.

'Yon ang dahilan kung bakit hindi na siya kumakain sa canteen. Tuwing lunch time ay pumupunta siya ng Love Cafe. Doon siya kumakain at nagtatago. Kahit si Iris ay hindi alam na sa Love Cafe siya kumakain. Baka kasi tanungin ito ni Max. Mas mabuti na walang alam ang kaibigan.

Hindi naman sa hinahayaan niya lang si Max na i-bully siya. Ilang beses na siyang nanlaban ngunit lalo siyang pinahihirapan nito. Tinakot pa siya nito na sasaktan nila ulit si Lorenzo.

"It's okay," ang sagot niya.

"Hindi ka ba nagsumbong sa principal? Kung gusto mo sasamahan pa kita," alok ni Brett.

Umiling si Olivia. Ilang beses na ba siyang pabalik-balik sa principal's office? At ilang beses din ba siyang pinabalik ni Mr. Pineda? Ang sabi nito kailangan niya ng ebidensya or witnesses. Ang sabi nito, she can't go around and accuse the owner of the school ng walang ebidensya.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon