MAHAL TAYO PABA?

1.9K 29 2
                                    

Mahal, gusto ko lang magtanong.
Mahal, tayo paba?
Bakit diko na madama? 
Bakit tila naglaho kana kahit ang totoo ay nariyan kapa.
Bakit tila may kayo na,
Kahit na may tayo pa.
Mahal, inuulit ko.
Mahal, tayo paba?
Kase kung oo, lalaban pa ako 
Ipaglalaban pa kita.
Pero kung ang sagot mo ay hindi na.
Wag ka mag alala,
Hahayaan nalang kita.
Hindi na ako maghahabol pa sayo,
Pinanganak akong tao at hindi aso para habulin ka.
Kung ayaw mo na,
Sabihin mo lang,
Kase kahit gusto ko pa,
Hahayaan nalang kita.
Kung iiwan ko nako
Kahit gusto ko pang manatili,
Pagbibigyan nalang kita.
Inuulit ko,
Mahal, tayo paba?
Gusto ko yung sagot na seryoso
Tulad ng pagseryoso ko sayo.
Pagod kana ba?
Wag ka mag alala,
Pagod na rin ako.
Pagod na ako, pero di ako sumuko.
Pero kung ikaw mismo ang susuko
Dun ko na magagawang sumuko.
Mahal, tayo paba?
Pasensya na kung paulit ulit na tinatanong sayo
Paulit ulit na rin kase akong nagtatanong,
Pero tila ayaw mong sagutin.
Sagutin mo lang ang tanong ko,
Nakahanda ako sa magiging sagot mo,
Kung oo man,
Ipagpapatuloy sayo ang pagmamahal ko
Kung hindi man,
Kahit mahirap, magpapalaya na ako.
Ako ang magpaparaya dahil ako ang mas nakatatanda.
Tandaan mo mahal,
Hindi ako robot na di napapagod
Hindi ako bato na walang pakiramdam,
At mas lalong hindi ako tanga para magbulag bulagan.
Mahal kita,
Pero kung mahal mo sya,
Sige na, malaya kana.
Magpapalaya na ako.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon