MANHID

890 4 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo,
Nagbilang ako hanggang ika'y unti-unting lumalayo,
Nagbilang ako hanggang ika'y tuluyang nawala sa paningin ko,
Oo, ayun lang ang nagawa ko.
Patawad, lubhang nasasaktan na kasi ako.

Ilang beses na ba akong nagpakatanga sayo?
Hindi lang iisang beses, hindi lang dalawa
Kundi tatlo, dahil ako'y tanga,
Oo tanga,
Pagdating sayo parang akong nawawala,
Bigla-biglang umuurong ang aking dila,
Hindi ko magawang tignan ka ng diretsa,
Isipan ko'y walang maisip na salita,
Puso ko'y tila nagwawala,
Ganito ako, hindi ko magawang kontrolin ang aking sistema,
Tila'y para na akong baliw, kasi paulit-ulit na lang akong ganito,
Nagpapakatanga sa iyo.

Apat, lima, anim,
Ngayon hinayaan ko na lang na ika'y mawala sa aking paningin,
Na sana pati nararamdaman ko'y maglaho na rin,
Ako'y lubhang nasasaktan nung ako'y ilang beses mo ng tinanggihan,
Tinanggihan nung ako'y umamin sa nararamdaman,
Na parang walang kadala-dala,
Kasi ito ako, umaasa,
Umaasa na sana isip mo'y magbago,
At puso mo'y mahalin rin ako.

Pero tama na,
Tama na ang pagpapakatanga,
Tama na ang pagpapantasya,
Ako'y natauhan na,
Ako'y lubos na nasaktan na,
Kaya kung maaari, ika'y lumayo na,
Huwag ka ng magpakita ng mga motibo pa,
Ng mga motibong kahit maliliit ay kaya kong makita,
Kaya, ako'y nakikiusap na huwag mo na akong paasahin pa,
Na sana'y maging maingat sa iyong mga galaw at salita,
Baka, hindi ako makapagpigil na sampalin kita,
Sampalin ka ng pagmamahal ko,
Na baka magpakatanga na naman ako sa harapan mo,
Kaya, kung pwede, ang landas natin ay huwag na sanang magtagpo,
Na sana kasabay ng aking pag layo,
Ay kasabay din ng pag-iwas mo sa nararamdaman ko,
Pag-iwas sa mismong sarili ko.

Pito, walo, siyam, sampu,
Ngayong nagbibilang pa rin ako,
Na sana pagkatapos ng pagbibilang ko,
Ay kasabay ng paglaho ng nararamdaman ko,
Na tila'y bumaligtad na ang mundo,
Hindi na ako katulad ng humahabol sayo,
Hindi na ako yung nagpapakatanga sa isang katulad mo,
Kasabay mo, ako'y sayo rin ay lumalayo,
Isasantabi ko ang katangahan na ito,
Dahil katulad mo, may paninindigan din ako,
Matalino akong tao, pero pagdating sayo, Nagiging bobo at tanga ako,
Pero iba na ngayon, ang bobo at tanga sa paningin mo,
Ay natauhan na sayo,
Patawad, tao rin ako katulad mo,
Pero sa ngayo'y, ako naging manhid katulad mo.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon