IKAW AT AKO

1K 3 2
                                    

Ikaw yung tipo ng taong ang hirap-hirap bitawan.
Ikaw yung tipo ng pagmamahal na hahanap-hanapin kahit saan.
Ikaw yung tipo ng pagkakamali nanaisin kong gawin muli.
Ikaw yung tipo ng pagmamahal na wala man kasiguraduhan wala man paanyaya walang sapat na dahilan.
Pero Ikaw.
Ikaw ang gusto kong makasama.
At Ako.
Ako yung tipo na ang dali-dali ko yung bitawan.
Ako yung tipo ng hindi mo handang isugal lahat ng iyong baraha.
Kasi ganun naman talaga hindi ba.
Ikaw at ikaw pa rin ang bida sa kwento na ito.
Ikaw ang kalangitan para sa lahat.
Pero Ako.
Ako ang kadiliman sa gabing tulog na ang mga ulap.
Nais kong panghawakan ang salitang "TAYO"
Ngunit sa bawat sambit ko nito.
Ay sinisigaw mong tapos na tayo.
Bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang naka-kapit.
Bakit ka naglayag sa madilim na karagatan.
Na parang ikaw lang ang lulan sa barko ng ating pagmamahalan.
Paano naman ako.
Saan nga ba ang lugar ko sa puso mo.
O mas tamang itanong kung may lugar ba ako jan sa puso mo.
Ang hirap mahalin ng taong iba ang aksyon sa ibinuka-buka ng bibig.
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong sentro ng iyong mundo pero para sakanya.
Isa ka lang sa kontinente nito.
Bakit nga ba nabuo ang salitang "TAYO"
Kasi gulong-gulo na ako.
Totoo ngang mas lamang ang IKAW sa AKO.
Kasi kinalimutan ko ang sarili ko mailagay ka lang sa tuktok ng buhay ko.
Na wala ang Ako.
At kung hindi mo parin pansin IKAW at AKO ay hindi na nga magtatagpo.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon