MAHIRAP, PERO MASAYA

4.1K 81 10
                                    

Gaano nga ba kahirap?
Gaano nga ba kasakit? 
Gaano nga ba kasaya?
Mahirap ba? o masaya? 
Oo! Mahirap! Napakahirap.
Mahirap bitawan ang taong naging parte ng nakaraan.
Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng lubusan. 
Mahirap imulat ang mata na may luha sa pagpikit.
Mahirap pilitin ang sariling lumimot.
Mahirap! Napakahirap! 
Pero, masaya. 
Masaya ang makalimot,
Masayang makalimutan ang taong nang-iwan.
Masayang mawala sa isipan ang taong duwag sa nararamdaman.
Kalimutan mo na sya! May bago na sya.
Kalimutan mo na sya! Pinagpalit kana nya.
Hindi sya kawalan, pagkat sya ang nawalan.
Kalimutan mo na ang nakaraan, sapat na ang isandaang luha na inalay mo para sa kanya.
Tandaan mo, kapag sumobra, mahirap na.
Maging masaya kana, maging masaya kana lang sa kanya.
Mahirap magmove on, pero masaya kung bibitawan mo na ang salitang "hold on".
Mahirap makalimot,
Pero masaya kung hindi kana sisimangot.
Tumawa ka! Tumawa ka hanggat gusto mo.
Baliw mang matatawag ng iba, ang mahalaga ay naging totoo ka.

Nasaktan ka nya at iniwan ka nya.
Sa halip na umiyak ka, tawanan mo nalang siya.
Ipadama mong masaya ka,
Masaya ka kahit wala na sya.
Tandaan mo. Itatak mo sayong memorya! 
Hindi sya ang bumuhay sayo.
Hindi sya ang mundo mo.
Hindi lang sya ang tao sa mundo, pagkat di nya hawak ang buhay mo.

Palayain mo na ang tulad nya.
Noon, mahal mo sya pero may mahal na sya.
Ngayon, Minahal mo nalang sya. 
Parte nalang ng nakaraang dapat takbuhan.
Mahirap magpalaya, 
Pero masaya kung nakalabas kana sa hawla.
Mahirap bumitaw,
Pero masaya kung hindi kana kakapit.
Mahirap humingi ng tawad,
Pero masaya ang magpatawad.
Mahirap, pero masaya.
Mahirap mabuhay, pero masaya kung lalagyan mo ng kulay.
At sa huli, nagsisi sya
Pero ikaw, masaya na.
Mahirap sa una, pero masaya sa huli.
Mahirap, pero masaya.


A/N: Votes and Comments po haha.

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon