PANGAKO! KAHIT NA

748 6 0
                                    

May ilang araw na rin akong nag-iisip,
Mga bagay na gumugulo sa aking isip,
Hindi ko na alam kung ano nga ba ito,
Ititigil ko na ba o hahayaang ituloy pa ito?

Bakit nga ba ang hirap tanggapin?
Bakit nga ba ang hirap unawain?
Bakit nga ba nangyayari ito?
Bakit nga ba ako’y litong-lito?

Ako ba ang may mali o ang ginagawa ko?
Ako ba ang dahilan o isang kamalian?
Ako ba ang kasalanan o ang puso kong nagmamahal?
Sa akin siguro ang problema, hindi ko lang nalalaman.

Ang hirap palang makita ang mahal mo, may iba,
Ibang kahawak kamay, ibang kayakap at ibang kasama,
Hindi mo kayang tingnan kahit sa litrato at malayo,
Ang hirap palang maranasan, ang nararanasan mo.

Ngayon naiintindihan ko na, ang hirap palang hawak ka ng iba,
Ang hirap palang unawain lalo na kapag kasama mo na s’ya,
Lalo na kapag ‘yun ngiti at tawa, nakikita sa ‘yun mga mata,
Na hindi ko kayang ibigay kasi s’ya ang iyong dasal na kaytagal na.

Lalaban pa ba ako? Gusto ko, pero may aasahan pa ba ako?
Kaya ko pa ba? Kinakaya para satin, higit para sa’yo,
Nasasaktan ba ako? Oo naman, pero pumipikit nalang ako,
Mananatili naman ako para sa’yo, gaya nang pangako ko.

Hindi ko man kayang ibigay ang lahat, lahat-lahat para sa’yo,
Mananatili naman akong nandito, parating handa, basta para sa’yo,
Ang pangako ko sa’yo, saan man ako dalhin ni kupido,
Hindi magbabago, basta makita lang kitang masaya, masaya na rin ako.

Naiintindihan ko na ngayon, na hindi lahat ng pangarap, kayang matupad,
Naiintindihan ko na ngayon, lahat kailangan ng sakripisyo at paghirapan,
Naiintindihan ko na ngayon, kapag nagmahal, hindi ako lagi ang dapat masaya,
Kasi hindi lahat ng kasiyahan, kaya kong ibigay, gaya nang kasiyahan mo, sa kanya.
Huwag ka mag-alala, nandito pa rin ako, para sa’yo kahit anong mangyari, pangako!

A/N: comment pleasee :)

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon