INIWAN NG WALANG DAHILAN

2.6K 7 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan
Simulan ang aking kwentong pinagdaanan
Kwento namin na akala ko walang katapusan
Pero natapos ng wala man lang dahilan
Hindi ko alam kung saan nga ba ako nagkulang
Saan nga ba? May mali ba akong nagawa? 
Ano ba? Sana man lang nagbigay ka ng babala 
Babala na ako'y iiwanan mo na, ng ako'y nakapaghanda
Kaysa bigla ka na lamang nawala na parang bula
Sabi mo noon, ika'y para sakin at ako'y para sayo
Pero bakit nagkaganto?
Mga pangako mo'y napako
at ako'y iyong niloko
Ano? Masaya ka na ba? 
Sabi mo, ako lang at wala ng iba
Pero bakit ngayon? May ibang kasama ka na?
Sabi mo, saakin ka lang masaya
Pero bakit ngayon katawanan mo'y siya na?
Ano ba talaga ang totoo?
Minahal mo ba talaga ako? 
O ako'y pinaglaruan mo?
Oo! Alam ko walang tayo
pero ikaw ay nangako
Sabi mo sakin ''Mahal Kita!
Mahal kita! Aalagaan kita! At Ikaw lang sapat na''
Sabi mo, maghihintay ka! Masaya pa tayo nun ah? 
Bakit bigla nalang nag-iba?
Nawala ka ng basta-basta
Tapos nalaman ko, may iba ka na pala
Pagod ka na ba? Sana sinabi mo, para pinagpahinga kita!
Hindi yung nang-iiwan ka nalang bigla
Nasaan yung sinabi mo'ng magiging tayo? 
Na hihintayin mo ang matamis ko'ng OO?
Kung bigla ka nalang sumuko
Hindi pa nga tayo, nilayuan mo na ako
Pwede ba? Huwag mo'ng ipangalandakan saakin na masaya ka na?
Kasi ang totoo, nasasaktan ako
Nasasaktan ako ngayon, pero pangako
balang araw, makakalimutan kita 
Masasanay ng di ka na kasama
At Kaya ko na ng wala ka
Sa iyong pag-iwan saakin ako'y labis na nasaktan
Kaya kapag ikay nakapag-isip, at ako'y iyong babalikan
Dito ko ipaparamdam sayo ang isang salitang SAYANG

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon