BUGTONG NG PUSO

645 4 0
                                    

(Mas dama kung sasabayan nyo ng slow song habang binabasa)

Ano ba ito?
Bagay na palaisipan sa sarili ko
Bagay na pilit hinuhuluan, sinasabayan ang bawat dikta ng puso
Kung tama bang sundin o hahayaan na lamang sa dulo

Ano ito?
Hinahanap ng bawat isa,
Umaasa na sana'y madama
Nanalangin na sana'y makuha

Ano ito?
Hinangad lang naman 
ngunit pinagkait pa rin
Sinubukang abutin
ngunit nahulog lang rin

Ano ito? 
Pangarap ko na makuha sayo
Binigay mo,
Binigay mo sa iba

Ano ito? 
Ito ang lagi kong sambit
pero ikaw mismo hindi ito marinig
Ito ang samo't dalangin
Ang hangad ng puso kong nawawalan ng pintig

Ito ang rason ng pagsulat ng isang makata
Maaaring taliwas sa paningin ng iba
Pero,
Ito lang naman ang hinahanap ko
ang bagay na pinagkait mo.

Ano ito?
Ang pag-ibig na nagmumula sayo.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon