MAHAL BAKIT MOKO INIWAN

772 3 0
                                    

Natatandaan mo pa ba dati? Noong ako'y umiiyak ang sabi mo "tama na mahal! Nandito lang ako"
Pero ngayong umiiyak parin ako ngunit ang sinabi mo "tama na makakalimutan mo din ako"
Mahal bakit moko iniwan? mapagmahal na dibdib ay mapagsusukdulan ng mga hinanakit na iyong iniwan
Mahal bakit moko iniwan? Isang katanungan na nakatatak sa king isipan na hanggang ngayon wala paring kasagutan
Mahal bakit moko iniwan? Dahil ba sa tanga ako at nagbubulagbulagan sa mga maling nagawa mo
Mahal bakit moko iniwan? Nagkulang ba ko? Di paba sapat yung pagiging tanga ko, At pagsunod sa mga bagay na gusto mo at pagiwas sa mga ayaw mo
Mahal bakit moko iniwan? Naging mabuti naman akong kasintahan/­kaibigan. Pero bakit ganun tuluyan mo parin akong nilisan
Mahal bakit moko iniwan? Na ngayon ako'y nangungulila sa iyong pagmamahal, At umaasang muli tayong magkakabalikan
Mahal! hindi ko alam ang dahilan ng iyong paglisan
Tinalikuran mo lahat lahat ng mga pangakong iyong binitawan
Na "ako'y sayo at ika'y akin lamang, At hinding hindi tayo maghihiwalay"
Mahal bakit? Bakit moko iniwan? Siguro may nahanap ka ng iba na ipapalit mo sa'akin, Kahit sariwa pa ang sugat sa aking damdamin
Mahal bakit mo ba kasi ko iniwan? Ika'y gumaganti ba? Sa lahat lahat ng pagkukulang ko na alam kong napunan ko naman
Mahal bakit moko iniwan? Ang sakit balikan ang masasaya nating nakaraan, Bakit mo ba kasi ako iniwan!
Lalakasan ko nalang ang aking loob at magiging matapang
Hindi magpapaloko sa kahit kanino man para di na ko muling iwanan
Mahal bakit moko iniwan? Patawad sa diko kagad pagbitaw, at Papatawarin kita sa hindi mo paglaban
Mahal! Andami kong ginawa makalimutan ka lang
Nag ayos, at nag iba
At iyon ngay napansin mo 
At may nakapagsabi sa akin na~
Ika'y nagsisisi dahil iniwan mo ako
Mahal tuwang tuwa ako ng malaman ko yun
Pero shempre nakalimot nako kaya balewala nalang sakin yon
Kaya mahal ito ang tatandaan mo "kung iniwan mo ko noon, iiwan ka din ng mamahalin mo ngayon"
Pero patuloy padin maiiwan ang lahat lahat ng sakit sa aking puso't isipan
Nang dahil sa salitang "MAHAL KITA!" 
Ako'y naging tanga sa pagmamahal ko sayo ng sobra
Pero bandang huli iniwan mo akong nag iisa.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon