HANGGANG DITO NALANG

1.3K 16 1
                                    

Urong sulong ang puso ko,
diko alam kung ano to
diko alam kung bat kumakaba ang dibdib ko
diko alam kung luha ko ba ay tutulo
diko alam kung nanaisin ko paba to,
diko alam kung pano ako magtatapat sayo.
OO!
May nararamdaman na ako para sayo
sa simula pa lang ay ikaw!
Ikaw na ang gusto ko. Ikaw na ang tinitibok ng puso ko,
pero wala akong magawa
kundi ang tumunganga
Naghihintay! Naghihintay sa wala
Kaibigan? Oo! nais kong pahalagahan ang nabuong samahan,
ang mga walang humpay na tawanan na tila wala ng kinabukasan
Ang paghangang pinahahalagahan ko ng sobra,
ayokong mawala at maglaho ang lahat ng to,
ayokong may mawalay
ang tanging gusto ko lang
ay IKAW. 
Sa paglipas ng sandali, mga oras at segundo
may namumuo ng paghanga sayo
paghanga na nagtungo na sa pag ibig na tinatawag nila
Hanggang dito? marahil nga hanggang dito lang tayo.
Kaya ko pa naman,
kaya ko pa namang pigilan to
tong mga luhang nangingilid sa mga mata ko,
tong pagsikip ng dibdib sa puso ko sa tuwing nakikita ka,
tong pagtakbo mo sa isip ko
tong paghangang kinukubli ko para sayo aking kaibigan.
Masakit man, pero ganun pa rin
kailangan pa ring tanggapin
hanggang sa pagkakaibigan lang
walang ikaw at ako
walang tayo.
Hanggang dito nalang tayo.

A/N: may nagbabasa ba? Comment poo :)

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon