L.O.D.I

583 1 0
                                    

Mahal meron pabang ikaw at ako?
Sa kwentong, tayo ang bumuo
o hanggang dito nalang ako
dahil meron ng kayo?
Sisimulan koto sa kung papaano mong tinapos
ang ikaw at ako
Sisimulan koto sa kung papaanong nagawa mong
sabihin tapos na tayo.
Mahal naalala mo paba?
Kung papaano kita alagaan matapos kanyang
saktan
Sa kung papaano ako naging salbabida noong
nilunod ka niya sa sarili mong katangahan
Pero sa huli sya parin ang bida sa buhay nating
dalawa
Hindi ko matanggap na sa piling kana ng iba
Gusto ko makita ang ngiti mo na sakin nagpasaya
Subalit sa kanya ay masaya kana
Lumipas ang mga araw at buwan
Kay bilis mokong palitan
Yun yung araw na nalaman ko ang mga dahilan
Dahilan kung bakit gusto mong ako'y iwan
Iwan at palitan
Dahil sakit ay pinasan
Kaya akoy iyong binitawan
Hindi ka naman nanghinayang
Inuna mo puro kalandian
Kaya wala akong pake alam
Kong siya'y iyong minahal ng lubusan
Kahit ako ay nasasaktan ng hindi mo
nararamdaman
Kaya kakalimutan ko na ang madilim na yugto
Sa piling ng taong minsan minahal ko ng totoo
Kailangan ko ng maibalik yung dating ako na
nawala simula nung naging kayo
Kailangan ko ng gumising sa katotohanang 
Na ako nalang ang umaasa sa relasyon nating tatlo
at sya yung gusto at hindi ako
Salamat sa mga panahon na pinasaya moko
Sa panahong nandyan ka lagi sa tabi ko
Sa panahong ikaw lang at ako
Ngunit paalam, paalam na
Sapagkat meron nang ikaw at sya.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon