YUNG TAYO

731 10 0
                                    

Mahal, naalala mo pa ba?
Yung araw na sa Harapan ko’y lumuhod ka,
At sa mga mata ko’y tumitig ka.
Yung araw na sinabihan mo ko ng “Mahal kita”.

At simula ng ika’y ibigin,
Ako’y wala ng hiling sa mga bituin,
Dahil sa iyong piling ako’y wala ng may maihihiling,
Dahil sapat na yung tayo para sa akin.

Mahal, ako’y iyong pinatawa,
Sa iyong mga salita,
Mga salitang sa akin ay nagpabago,
At ang sa akin ay bumuo.

Yung mga Matatamis mong ngiti,
Na sa puso ko’y kumikiliti,
Yung tinig mong ka’y sarap pakinggan,
Na Kapag naririnig sa puso ko’y parang nagsisitugtugan.

Yung habang tayo’y naglalakad ng sabay,
Sa mga daang lagi nating binabaybay,
Tayo’y parang hindi mapaghiwalay,
Sa higpit ng hawak mo sa aking mga kamay.

Yung tayo na magkatabi sa upuan,
At tayo’y nag kwe-kwentuhan,
Tungkol sa ating pag-iibigan,
Na sana’y hindi na mawawakasan.

Yung tayo na magkasama sa ilalim ng buhos ng ulan,
Magkasabay na binabagtas ang mga Lansangan,
Sa bawat bugso ng hangin tayo’y nakikipaglaban,
Na magkasama sa iisang payong na sinisilungan.

Mahal, Hindi ka man tulad ni Crisostomo Ibarra,
At hindi man ako tulad ni Maria Clara,
Ang kwento natin ay hindi man tulad ng sa Kanila,
Pero ang ating kwento’y isang alaala na kailan ma’y hindi na mabubura.

Mga magagandang alaala na gustong balik-Balikan.
Mga alaalang hindi lilimutin kailan man,
Mga alaalang naging simbolo nang ating pagmamahalan.
Mga alaalang dala-dala magpakailanman.

Mahal, Masasabing ang pagmamahal ko’y tulad Kay Maria Clara,
Ika’y aking iibigin hanggang sa aking huling hininga,
At kailan man sa puso ko’y hindi ka maibubura,
Kahit may dumating pang iba.

Mahal, pangako hanggang dulo,
Hangga’t may ako pa sa puso mo,
Kahit tayo man ay magkalayo ng mundo,
Asahan mong may ikaw lang sa puso ko.


Don't forget to Vote, Comment and follow :) enjoy reading <3

Facebook: Ivy Smith Dawn
Ig: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon