KABIGUAN SA PAG-IBIG

2.8K 5 0
                                    

Hindi nako aasa pa
Kasi alam kong wala nang talaga
Ano pa ang halaga
kung ikaw mismo'y sumuko na
Para sa ano pa'y magpatuloy ako
Binalewala na ng tulad mo
Sakit, Hapdi iyong dulot
At sayo'y wala nang mapupulot
Kailan pa'ko magigising saking panaginip?
Kung palagi'y ika'y naiisip
Wala akong pagpipilian
Kung ikaw mismo'y di ako ipinaglaban
Ako'y matapang di sumusuko 
Ngunit pagdating sayo'y nanlulumo
Ano paba ang saysay?
Kung pag-ibig natiy patay
Akala ko ito'y totoo 
Di ko alam bat nagkaganito
Alay ko'y lahat-lahat
Pati pag-ibig Kong tapat
Di ko inaakala 
Ito mismo'y iyong magagawa
Inibig kita sa abot ng aking makakaya
Pero ako'y iyong niloko umabot hanggang taka
Paniwalang paniwala 'ko sa lahat
Iyun pala'y hindi sapat
Ako pala'y sinasaksak mo ng palihim
Kaya nadarama ko'y malagim
Pano pa kaya ako makakaahon
Sa sakit mong naidulot kahapon
Parang kailan lang ng ako'y iyong minahal
Pero parang bula ito'y di nagtagal
Ano ba ang aking nagawa?
Tila ngayo'y ako'y nagdusa
Sakit lang ang aking nakamtan
Sayong pagmamahal ako'y sobrang nasaktan
Pagmamahal mong di tunay
Wala ng pagdududa ika'y di umagapay
Ika'y magsisisi sa iyong panloloko
Dahil tulad ko'y pinakawalan mo
Kaya kitang ipaglaban
Para sa iyo"'y mananahan
Ano PABA ang kulang?
Para sa iyo ba'y bale wala lang?
Laking gulat ko 
Sa isang iglap, inako na ng iba ang dati'y tayo
Agos ng aking luha,
Dulot sayo'y laking tuwa
Mahal na mahal kita 
Lahat gagawin pati magparaya
Para lamang ika'y lumigaya
Sayang nga lang, may nagpapasaya na sayong iba.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon