BAWAT

604 4 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng luha
Inilalabas ang sakit na nadarama
Hapdi, kirot at pagsusumamo ng puso,
Kailan kaya matatapos?
Sa tuwing mata ay pipikit
Walang humpay na paghikbi ang naririnig
Nakakapagod pero... Magpapahinga lamang at hindi susuko

Sa bawat gabing dumaraan
Mga alaala pa din natin ang napapanaginipan
Ang luhang tumutulo
Kailan kaya matatapos?
Sa tuwing mata ay ididilat
Sakit na nadarama sa mukha'y bumabakat
Ayaw ko na pero..
Matutulog lamang at lalaban pa

Sa bawat araw na lumilipas
Wala pa ring pagmamahal na nababawas
Ang sakit na ito
Kailan kaya matatapos?
Alam kong ayaw mo na at ako na lang ang nagpupumilit
Nagpupumilit na hagkan pa din ng iyong mga bisig
Kahit na alam kong iba na ang tinitibok ng dibdib
At nasa kanya na ang iyong pag-ibig.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon