SINIRA KA NIYA, BINUO KITA, SINIRA MO AKO

1.3K 17 0
                                    

Sinira ka niya
Sa kabila nang tinagal tagal niyong pagsasama
Sinira ka niya
Na para bang wala kang halaga
Na para bang wala kayong pinagsaluhang masasayang alaala
Na parang hindi ka isang Eba
Na parang wala kang kwentang dalaga

Oo sinira ka niya,
Kaya nang matagpuan kita
Hindi ko alam kung paano ka kakausapin sa paraang hindi ka maiirita
Batid ko kasing maski sino pa ang kumausap sa'yo sinta
Hindi nila masusolusyonan ang problema mong dinadala
Dahil kitang kita sa'yong mukha
Sa patuloy na pagbagsak ng mga luha
Sa tila pagiging pagod ng iyong mata
Paniguradong mabigat ang problema mong dinadala kahit hindi mo na sabihin halata naman talaga

Kaya binuo kita,
Sa pamamagitan ng pagtanong kung ayos ka lang ba?
Noong una hindi ka pa sumagot ngunit pinilit kita sa pangalawa
Hanggang sa sumigaw ka, nabatid kong labis ka na sa'king naiirita
Kaya tinangka ko nang umalis matapos kong ibigay ang panyo upang may pamunas ka sa iyong mga luha
Ngunit bago pa man ako makaalis sa kung saan tayo nakapuwesto
Nagsalita ka, at sabi mo ''Teka Ginoo, hindi ko kailangan ng panyo, ang kailangan ko ay ang makapagpapahilom sa nagdurugo kong puso''.
At sa sinabi mo, tila ba hinila ako ng presensya mo papalapit sa'yo
Tumabi ako sa'yo, idinantay mo sa aking balikat ang iyong magaan na ulo
Hinaplos haplos ko ito
Habang ramdam ko sa aking balikat ang iyong mga luha na walang tigil sa pagtulo
Habang ang isip ko ay gulong gulo, kung paano nga ba kita matutulungan
Ngunit bigla akong nagtaka nang bigla ka nalang tumahan
Matapos ko sabihin ang katagang, ''Huwag kang mag-alala, sapagkat hanggang hindi mo siya nakalilimutan, dito lang ako hindi kita iiwan''

At simula noon
Palagi na tayong magkasama sa maghapon
Magkausap sa telepono bago matulog at matapos bumangon
Kapwa hindi natin pinapalipas ang araw nang walang umiiral na komunikasyon
At habang lumilipas ang panahon
Hindi ko namamalayan na ang pag-ibig mo'y unting unti na pala 'kong nilalamon

Namuhay ako dito sa mundo na ikaw ang tinuturing kong mundo
Namuhay ako sa ilusyong mayroong tayo
Hanggang sa isang araw, ay sinira mo ako

Oo sinira mo ako
Noong araw na sabihin mong siya parin ang mahal mo
Noong hindi ka nagdalawang isip na sabihing ''Pakiusap layuan mo na ako''
Noong nalaman kong bumalik na siya sa'yo

Sinira mo ako, na para bang hindi kita binuo
Na para bang wala lang ang mga alaala nating nabuo
Na para bang wala lang ako sa'yo

At ngayong sirang sira na ako
Hindi na ako umaasa na mayroon pa sa'king bubuo

Dahil naniniwala ako,
Minsan ang pag-ibig talaga ay magulo
Dahil kung sino pa ang dahilan kung bakit magiging masigla ang iyong puso na para bang nasa tamang kamay ito
Ay siya rin palang magiging dahilan kung bakit ito magdurugo

Tunay ngang ang pag-ibig ay magulo
Hindi mo alam kung kailan darating at kailan ka lilisanin nito
Dito na nagtatapos ang kuwento
Kung saan minsan kang naging bida sa buhay ko
At naging kontrabida simula nung saktan mo ako

Salamat dahil minsan kitang nakasama sa isang alaala nalang sa mga oras na 'to
Salamat parin kahit na, ''Sinira ka niya, Binuo kita, Sinira mo ako''.


Flower: read lang ng read :) mwuaahh :*

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon