ISANG PAPEL

748 6 0
                                    


Isang papel , isang papel na walang laman , 
isang papel na nais kong punan ,
isang papel sa buhay mo na nais kong gampanan , at
isang papel na nais kong sulatan pero bakit ganon hindi ko magawang itala ang ating kwento , pinilit kong mamulat sa katotohanan na kahit sa papel ay hindi magiging tayo , sino ba naman ako ? isa lamang akong hamak na taong walang papel sa buhay mo kahit gusto kong maging mundo mo ay hindi maari dahil sa iba nakalaan ang puso mo pero heto ako patuloy parin sa pagsulyap sayo mula sa dulo ng ating mundo , Nangarap ako na maging taong ihaharap mo sa poon pangangakuan mo ng pagmamahal mo sa harap ng mga tao , mga taong magiging saksi sa sumpaan natin sa pagitan ng mundo pero hindi , dahil sa papel na siyang naging takip upang maging piring sa bawat daing ng puso mong nahihimbing , 
sumulat ako , sumulat ako sa papel na ito upang mabasa mo na sana maging totoo , maging totoo na akoy iyo pero hindi nalukot ito , kasabay ng pagkalukot nito ay siyang pag sarado ng puso mula sa katotohanang hindi magiging tayo , pangako ko na sa iyong paglayo ay hindi nako malulungkot , pilit kong titiisin ang lungkot , pilit kong igigiit ang puot , at sa pag kalukot ng papel itoy magsisilbing pandampi sa mga luha ng katotohanang hindi tayo kaya paalam sayo at sa papel na naging mitsa ng kabaliwang ito .

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon