DUMATING PERO BIGLANG NAWALA

652 4 0
                                    

Nabuhay ako ng ilang taong wala ka,
Naglalakad na mag-isa
Namamasyal na walang kasama
Dinaramdam ang buhay na puno ng lungkot at saya.

Pero bigla kang dumating aking sinta
Ang noong mag-isa ay mayroon ng kasama
Ang dating kulang ay pinunan mo na,
Sa simula, pag-aalinlangan ay aking nadama
Pero nang lumaon, Pag-ibig ay tunay ngang kakaiba.

Oo, pagmamahal mo'y ibang-iba talaga
Nilapatan mo ng ngiti ang malungkot kong mukha
Binigyan mo ng pansin ang patapon kong halaga
At ikaw ang nagmulat sa akin sa maling akala.

Maaari ko bang sabihin na IKAW NA?
Maaari ko bang ipagsigawan na TAYO NG DALAWA?
Maaari ko bang ipagmalaki na IKAW LANG AT WALA NG IBA?
Pero teka lang, habang lumalalim ang aking nadarama
Pansin ko ang unti-unti mong pag-iba.

Ano ba ang aking nagawa?
Tayo'y magkatabi pero bigla kang nawala,
Pinalitan mo ng lungkot ang nabuong saya
At ngayon, kalahati ng puso koy iyong dinala.

Bigla kang dumating at kusang nawala
Tanging iniwan mo ay pasakit at pasa
Pasa na nakatatak at mahirap ng mawala,
Hanggang ngayo'y nandito ka parin sa 'king alaala
Ang hirap mong burahin, bakit ba?

Inaamin ko, ako ay naging tanga
Sa iyong mga pangako ako'y naniwala
Naniwala ako sa bulaklakin mong mga salita
Nagpadala ako sa agos ng iyong mga dila.

Masakit mang alaala ang iyong dala
Asahan mong ito ay magiging mahalaga,
Babangon ako at patuloy na aabutin ang mga tala
Mabubuong muli, magniningning, at magsasabing AKO ANG DILAG NA DATI MONG PINANA.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon