NAKALIMUTAN KO NANG KALIMUTAN KA

977 5 0
                                    

Sinubukan kong magbilang mula isa hanggang tatlo
Pero 'di pa rin nagbabago, ang nararamdaman ko para sa’yo
Sinubukan kong pumikit baka sakaling mawala ’yung sakit
Na namumuo sa aking dibdib,
Na parang ampalaya,
Sobrang pait
Sinubukan kong umiwas, lumayo, magtago, at tumakas
Sinubukan ko rin tumingin sa alapaap pero ikaw pa rin ang hinahanap-hanap

Sinubukan
Sinusubukan
Patuloy na sinusubukan
Pero natatakot pigilan
Nakakapagod pilitin dahil ikaw pa rin
Nakakatawang isipin dahil 'di ka naman naging akin
Minahal kita ng patago, sinisilayan ka mula sa malayo
Pinapangarap ka lang noon, bakit nasasaktan na ngayon?

Mga luhang namumuo sa matang namumugto
Sakit na nararamdaman, paano maiibsan?
Kaya sa huling pagkakataon susubukan ulit lumayo
Ipipikit ang mga mata at bibilang muli, mula isa hanggang tatlo

Isa
Dalawa
Tatlo
Hindi ko kayang lumayo
Ididilat ang mga mata
Titiisin na lamang ang sakit na nadarama

Paano kita kakalimutan kung ang kalimutan ka'y nakalimutan ko na?
Patawad, hindi ko pala kaya.
Dahil kahit masakit,
Mamahalin pa rin kita.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon