ISINULAT KO PERO BINURA MO

604 4 0
                                    

Paano nga ba magmahal ang isang makata?
Sabi nila, idinadaan nito sa pagsulat ng mga talata
o kaya'y matatalinhagang salita sa bawat taludtod ng tula

Kapag ang isang makata ay nagmahal
Panigurado, ikaw lang ang minamahal
Napagsasama-sama ang bawat letra upang maging salita
At ang mga salita para maging tula

Hindi man ako pandaigdigang makata pero isa akong simpleng makata
Ang makatang nagmamahal,
pero hindi minamahal

Bumuo ako ng mga tula para sa ating dalawa
Dahil, ito ang nais ko,
Ikaw at ako lang sa malikhaing mundo ko
Nais kong tayo lang ang bida at walang kontrabida

Ngunit, tayo nga ba? o ako lang ba talaga? 
Isinulat ko ang istorya nating dalawa
Ito naman ang gusto mo.
Diba?
Sana nga ito ang yong gusto,
dahil ako gustong gusto ko.

Hawak ko ang paboritong kuwaderno
Sandata ko ang bagay na may itim na likido,
Habang ikaw ang asignatura ko

Ngunit, salungat ata tayo
Sandata mo ay bagay na may puting likido
Na kapag nagsama tayo,
Matatabunan ako.

Habang isinusulat ko, binubura mo
Ikaw ang nasa puso ko, pero iba ang nasa puso mo
Ikaw ang hinahanap ko, pero iba ang gusto mo
Ikaw ang minamahal ko, pero iba ang pinili mo

At sa huli, napagtanto ko
Hindi mo talaga ako gusto
Hindi tayo ang magkakonektado
Iba ang gusto mo habang ikaw ang gusto ko
Isinulat ko, pero binura mo.

Hindi talaga tayo ang para sa isat-isa.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon