ANG MAGMAHAL AY 'DI BIRO

442 4 0
                                    

Kung ikaw ay magmamahal
Kailangan ay sigurado ka 
Sapagkat ang magulong isip ay magugulo pa,
Kaya kung maaari ay siguraduhin mo pa.
'Di kailangan mag-apura
Hindi ito isang karera,
Na 'pag tumakbo ka
Sa hangganan agad ang punta.
Kaya mag isip-isip ka,
Dahil ang magmahal ay 'di biro.
'Wag mong simulan kung wala pang kasiguraduhan.
Hindi ito isang pagsusulit
Na kapag nagipit pwede kang manghula o pwede kang umulit.
Kaya 'wag mo munang ipilit
Kung hindi ka pa handa sa kasunod nitong sakit.
Bago ka gumawa ng hakbang
Siguraduhin mong walang masasayang.
Bago mo sabihing mahal kita
Siguraduhin mong kaya mong panindigan.
Kasi bawat salita ay mahalaga
Bawat salita ay may pwersa
'Di mo alam kung nakakasakit ka na
'Di mo alam kung nakakatuwa pa.
'Wag sanang maging katulad ng iba
Na puro lang salita at magaling lang sa umpisa.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon