MGA PANGAKONG NAPAKO

529 1 0
                                    

Sabi nga "Promises are meant to be broken."
Paaasahin ka at pakikiligin.
Sa una ika'y pangingitiin,
Ngunit sa huli ay paiiyakin.

Oo mali ako dahil naniwala ako sayo,
At tama ka na paniwalain ako.
Oo mali ako dahil umasa ako sayo,
At tama ka na paasahin ako.

Pinilit kong intindihin.
Pinilit kong tanggapin.
Pinilit kong tiisin.
Ngunit kulang parin at mahirap pilitin.

Paulit-ulit na problema,
Na para bang wala nang solusyun pa.
Mahal, sabi mo magbabago ka.
Mahal, sa akin ay nangako ka.

Walang pagbabago!
Wala kang binabago!
Lalo mo lang pinalalala ito!
Ngayon, hindi na ko aasa pa sayo!

Balibaligtarin ko man ang mundo,
Hindi ko na mababago
Iyon ang gusto mo at pinili mo.
At eto ako tinalikuran mo.

Naiwan kasama ng mga masasayang ala-ala,
Kasama ng mga matatamis mong salita
Mga patak ng luhang ayaw nang tumila,
Mga pangakong napako na hindi na inalala.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat
Gaano man kasakit at kabigat
Kailangan ko nang mamulat,
Na hanggang dito na lang ang lahat.

Tinitignan kita habang lumalayo ka,
Umaasa parin na baka sakaling bumalik pa.
Ngunit bawat hakbang palayo na.
Hindi na kita pipigilan pa.

Pinili mo kong talikuran,
Pinili mo kong iwan.
Sana lang 'wag mong pagsisihan.
Dahil wala ka nang babalikan.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon