NAGMAHAL AKO NG TAONG NABUBUHAY SA LIBRO

653 6 0
                                    

Naranasan ko na ang long distance relationship.
Mahirap, masakit pero kailangang tiisin.

Akalain niyo, nandito ako sa totoong mundo, 
samantalang siya'y nasa binabasa kong libro.
Ang layo naman talaga namin sa isa't isa,
at malabo na magkasama kaming dalawa—
pero bakit siya pa rin ang minamahal ko?
Eh, pitong bilyon naman ang tao sa mundo?

Mahirap na kasi ngayong magtiwala
lalo na't marami ang magaling lang sa umpisa.
Kaya kahit hindi sila nag-eexist sa totoong mundo,
sila pa rin ang itinitibok ng aking puso.
Masarap kasing malaman na may tao pang handa kang mahalin ng seryoso,
na ipagmamalaki ka kahit kanino,
na gagawin ang lahat para sa'yo,
na may respeto at maginoo,
na loyal at tapat sa isa—
at taong handa kang samahan hanggang sa pagtanda
kaso ang problema, sila ay hindi totoo—
sadyang karakter lang sila na nakatira sa libro.

Parang si STEPHEN CRUZ
na kahit babaero ay kayang magbago para sa'yo.

Si ELIJAH RILEY MONTEFALCO
na kayang labagin ang batas para makasama lang ang kanyang gusto. 

Si JEYDON LOPEZ 
na mamahalin ka nang sobra-sobra kahit medyo bad boy.

Si JASPER YU
na loyal sa'yo kaya hindi ka na ipagpapalit sa iba.

Si ROZEN GAISER ELIZALDE 
na kahit mahirap kang paibigin, hinding-hindi ka susukuan.

Si DEIB LOHR ENRILE 
na kayang magbakla-baklaan para ika'y mapangiti.

Si KUDOS PERESEO 
na handa kang mahalin ng tapat at seryoso.

Si ACE CRAIGE/SUPREMO
na kaya kang ipagtanggol kahit buhay ang maging kapalit nito.

At si JUANITO ALFONSO 
na kaya kang respetuhin at sadyang maginoo.

Kaya bakit pa ako maghahanap ng iba
kung kuntento na ako sa aking mga asawa?
Sa libro ko lang kasi natagpuan ang mga ideal man ko,
at 'yun ang 'di ko nahanap sa totoong mundo.
Hindi naman kasi masama magmahal sa taong nabubuhay sa libro
pero kailangan mong tanggapin na hindi talaga sila magiging totoo.
Mas okay pa ngang magmahal sa pantasya
kaysa sa isang taong hindi ka naman kayang bigyan ng halaga.
Kaya habang 'di ko pa natatagpuan ang taong makakasama ko forever,
patuloy ko munang mamahalin ang mga asawa kong fictional character!

Ako'y nabubuhay sa totoong mundo
pero NAGMAMAHAL AKO NG TAONG NABUBUHAY SA LIBRO!

Sana sila'y magkatotoo.

Black_flower011: hindi sakin yung piece na to, nagandahan lang ako kaya pinost ko :) credit sa may ari <3

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon