AKO NALANG SANA, TAYO NALANG DALAWA

1.3K 13 0
                                    

Nakakalito, nalilito na ako sa kakaisip kung bakit ako nagkaganito.
nalilito sa pagmamahal ko sayo dahil hndi ko alam kung saan ito patungo.
tama ba kaya ang daan na pinili ko?
o baka sa dulo nito puso ko ay mabigo.

minahal kita ng higit pa sa kaya ko,
minahal kita ng buo inialay pati pagkatao ko.
pero bakit ganun nasasaktan ako ng ganito?
mahal na mahal naman kita, kaya sana kahit konte mahalin mo rin ako.

ang tanga tanga ko ang daming babae sa mundo
pero bakit pa ako umibig sa isang tulad mo?
alam ko naman na may mahal kanang iba,
bakit minahal pa kita? bakit ikaw pa? hndi ko alam, bahala na!

bakit siya pa? bakit siya? ako nalang sana
ako na ngayo'y nasasaktan at lumuluha mag isa.
pero mahal, magpapatuloy paba ako o hindi na?
wala kasi akong mapagkakapitan para masabing pwede pa.

gabi gabi naiisip ka,saksi ang mga unan kong basa na nalulunod sa mga luha,
mga unan na parating nanjan sa bawat gabi na naaalala ka at lagi rin silang nababasa.
mahal, pagod na ako, pagod na akong masaktan dahil sayo.
pagod na akong lumaban sa labanan na alam kong ako rin naman ang dehado.

sana mahal, sa paglisan ko maramdaman mo na mahalaga rin ako,
mahalaga na kagaya ng pagpapahalaga ko sa isang tulad mo.
pero mahal alam kong hindi ako kawalan para sayo,
dahil sa umpisa palang, may mahal kanang iba at yun ay hindi ako.

kaya mahal paalam na, tama na , ayoko na!
pagod na akong maging tanga! tanga na lumalaban mag isa.
pero dahil sayo naranasan ko ring lumuha at sumaya
pero mas masaya sana kung ako ang pipiliin mo at hindi siya,.
kaya mahal, ako nalang sana, tayo nalang dalawa kaso hindi pwede dahil may kayo pa.

A/N: enjoy reading :)

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon