Bitaw

746 9 0
                                    

Gagawa ako nang tula sa unang pagkakataon
Pero sa pagkakataon nayun ikaw ang naging rason
Bumalik tayo sa ala-ala sa kung paano tayo nagkakilala
Na sa kung paanong ang mata natin ay biglang nagtama
Sa mga sandaling tila itinadhana
Na magtagpo ang dalawang pusong nangungulila
Ang bawat sandali ay tila kayamanan 
Tila ginto na na ayaw mong masayang
Kaya wala na akong oras pang sinayang
Tinanong ko kaagad ang iyong pangalan
Salamat at hindi mo ako sinupladahan
Wala nang hiya hiya kaagad kitang in-add
Salamat naman at in-accept mo agad
Nag chat ako sayo pero di mo ako pinansin
Nalungkot nalang ako nang bigla mong i-seen
I-SEENantabi nalang ang pagtingin ko sayo
I-SEENantabi ang halaga ko
Teka may halaga nga ba ako
Palagi nalang akong nasasaktan 
Nasasaktan sa sarili kong kamalian
Dahil ba sa mabilis ako
Kaya ganun nalang kadali
Matapos ang mga ala-ala mo at mga sandali
Pero sandali...
Nalaman ko na may gusto ka palang iba
Kaya ako nalang ang gumawa nang paraan para layuan ka
Pero hindi ako malulungkot bagkos ay isisigaw
Ang una at huli kong bitaw
Pag gumawa ako nang tula sa ikalawang pagkakataon
Pangakong hindi na ikaw ang rason


A/N: Vomments :)

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon