SA NGALAN NG PAG IBIG

621 5 0
                                    

Di ko alam kung san ko ba sisimulan,
Sa una, kung pano kita nagustuhan,
Sa gitna, kung pano tayo nagmahalan,
O sa dulo,
Kung, pano ka nilayo sakin ng mundo.
Sinubukan kong labanan,
Husga ng sanlibutan,
Sinubukan kang ipaglaban,
Habang ikaw, gusto na 'kong sukuan.
Kahit, madalas kang walang oras sakin,
Madalas mokong awayin.
Hindi kita iiwan,
Di tulad nila, di kita sasaktan,
Ako'y lalaban,
Hanggang sa sabayan mo narin akong lumaban.
Alam ko naman na mahal mo rin ako,
Na gusto mo rin na magtagal tayo,
Na, kahit nag aaway tayo,
Ako parin, di mo parin ako niloloko.
Seryoso kahit seloso.
Gwapo pero hindi ako niloko.
Mahilig sa away pero di ako papalitan.
Ganyan ka,
Na kahit ako minsan ung nagsimula ng laban,
Ikaw parin yung hihingi ng kapatawaran.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon