ULAN

653 4 0
                                    

Ulan. Parang luhang unti-unting nahuhulog sa aking mga pisngi.
Yumayakap sa buong katawan ko na tila nakikiramay sa aking paghikbi.
Paghikbi. Buhat sa iyong paglisan.
Ang matatag na tulad ko ay animong napilayan.

Ulan. Panahong bumibisita sa ala-ala ang lahat.
Lahat ng ala-alang masasaya't masasakit.
Saya't sakit na dulot ng pesteng pag-ibig.
Na hanggang ngayo'y nililimot kong pilit.

Ulan. Parang tayo ang pagbagsak nitong malakas.
Tayo noon na ang saya'y parang wala nang bukas.
Pagmamahalan nati'y singsarap ng pagbuhos nitong malakas,
Hinihiling na sana'y di na ito magwakas.

Ulan. Parang pagmamahalan natin ang malakas na pagbuhos nito.
Akala ko'y di na titigil, hindi na hihinto.
Ngunit ang tayo ay tulad nga ng malakas na ulan.
Titila din at may hangganan.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon