TAGAPAGTURO

761 3 0
                                    

Pumasok kami sa paaralan,
Utak namin walang laman,
Ngunit sa hindi namin inaasahan,
May taong oras sa amin may maglalaan.

Sa loob ng kwarto,
Bitbit ang aking lapis at kwaderno,
Pinagmasdan ang taong pumasok sa pinto,
Siya ba ang sinasabi nilang guro?

Magaling siya, matalino,
Masipag din, maasahan ng todo,
Mga kislap sa mata niya habang nagtuturo,
Hindi nawawala habang kami ay natututo.

Pasaway man kami kung madalas,
Nakakaubos man ang kakulitan namin ng lakas,
Ngunit kasiyahan sa inyo ay mababakas,
Guro naming kasama namin hanggang wakas.

Tagapagturo,
Tagabigay ng dunong,
Tagapagturo,
Itong tula ay para sa inyo.

T- Tinanggap niyo kami sa kabila ng aming pagkakaiba
A- Alay mong oras sa amin ay napakahalaga
G- Ginabayan kami sa lahat ng aming ginagawa
A- Ako, kami, ma'y may katigasan ang ulo
P- Pero ni kailanman hindi ka sa amin sumuko
A- Andito sa tabi namin at ipinapaliwanag lahat ng totoo
G- Gurong aming mahal, sayo kami ay saludo
T- Teacher, sir, maam, sana ang tulang ito ay inyong magustuhan
U- Unawa ninyo kailan man hindi matutumbasan
R- Ramdan namin ang inyong pagmamahal
O- Oras-oras kayo ay aming mahal.

Isang pasasalamat sa lahat ng aking guro,
Para sa lahat ng sakripisyo at turo,
Sa inyong katatagan kami ay saludo,
Wala kami kung wala kayo, minamahal naming mga guro.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon