PARA SA LALAKING PAPALITAN ANG APELYIDO KO

824 11 1
                                    

Para sa lalaking papalitan ang apelyido ko,
Naisipan kong gumawa ng tula para sa'yo,
Tulang alam kong babalikan nating pareho,
Sa panahong nasa altar na tayo.

Matagal ko ng pinagdarasal, pinapangarap,
Lalaking aking makaka-daupang palad,
Isa sa mga bagay na matagal ko ng hinahangad,
Balang araw, alam ko, sa harap ng altar matutupad.

Mahal, di mo alam kung gaano ako kasabik na ikaw ay mahagkan,
Kung gaano ako kasabik para saating sumpaan,
Kung gaano ako kasabik para sa ating kinabukasan,
Mahal, sa tabi ko pangako di ka masasaktan,
Di na mauulit lahat ng sakit at pait na iyong narasan,
Mahal, sa tabi ko pangako mamahalin kita ng lubos-lubusan.

Gusto ko kasing maranasan yung tipong ikakasal tayo,
Tapos imbitado yung mga ex mo,
Yung mga nambasted sayo,
Tapos sa araw na 'yon hahalikan kita sa harap ng maraming tao, Pahiwatig na "asawa ko na, yung sinayang niyo."

Pero naisip ko, paano kung ikaw yung tipo ng lalaking 'di pa nagkakaroon ng kasintahan? 'Wag kang mag-alala, di ko naman iniisip na bakla ka,
Baka naghintay ka talaga,
Kaya sa araw na yun ay hahalikan pa rin kita,
Kasabay ang katagang "akin ka, wala kang kawala"

Di ko pa man alam yung gusto mo, o baka alam ko na,
Di ko pa man alam yung paborito mo, o baka alam ko na,
Di pa man kita kilala, o baka nga kilala na kita,
Pero sana tandaan mo ang susunod kong sasabihing mga salita,
Yun ay, ngayon pa lang, mahal na kita.

Di ko naman hinihiling yung kwentong puno ng pantasya,
Di naman kasi natin 'to ilalabas bilang telenovela,
Sapat na sa'kin yung sasamahan mo 'ko sa panonood ng K-drama,
Sapat na rin saakin kahit yung simpleng sintunado mong pagkanta.

Gusto ko kasi yung tipong simpleng storya,
Basta ba't tayong dalawa yung bida,
Kahit 'di na natin 'to ilathala para sa iba,
Dahil ang balak at plano ko lang naman talaga,
Ay ikwento at kiligin yung anak nating dalawa.

Wala na akong pakialam kung hindi ka maskuladong tao,
Sapat na saakin yung sasamahan mo ako sa pagluluto ng adobo,
Sapat na rin saakin yung araw-araw kang naliligo't nagsisipilyo,
Pero alam mo?
Mas sapat saakin yung alam kong mahal mo ako, todo-todo.

Wala na akong pakialam kung hindi ka si Adan, si Florante o si Ibarra, Di rin naman kasi ako ang kanilang Eba, Laura at Maria Clara,
Pero mahal, ako naman si Ivy,
Ang babaeng sa'yo ay itinadhana.

Pero bago pa man tayo humantong sa kung saan-saan man,
Nais ko sanang ikaw ay maliwanagan,
Di kasi ako yung tipo ng babaeng kaasam-asam,
Di kasi ako kagandahan at katalinuhan,
Pero kapag pagmamahal at lambing naman ang usapan,
Mahal, pangako wala kang masasabi, taga mo man sa buwan.

Oo, bata pa tayo at ang katauhan mo ay nananatiling malabo, blangko, Pero nais kong malaman mo na hanggang dulo,
Kaya kitang tratuhing ginoo bilang binibini mo,
Na sa susunod ay "ginang" karugtong ay apelyido mo.

Kaya para sa lalaking papalitan ang apelyido ko,
Para sa lalaking dadarating sa buhay ko,
Nais kong sabihin sa'yo,
Na nagdarasal at naghihintay ako,
Para sa pagdating mo sa buhay ko,
Para sabay tayong umapak sa bagong yugto,
Nagmamahal sayo at mamahalin mo,
Ivy.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon