KAIBIGAN

774 7 0
                                    

Isang salita, walong letra ito ay ang salitang kaibigan
Kaibigan na nagsimula ng ating pagmamahalan
Ano ulit yon? Pagmamahalan? Ah, oo. Pagmamahalan hindi bilang tayong dal'wa kundi pagmamahalan bilang magkaibigan

Kaibigan na naging aking mahal, ang mga masasayang araw nating dal'wa na sumasagi sa aking isipan Ay pilit kong kinakalimutan dahil labis akong nasasaktan
Kaibigan? Nagtapat ako sa'yo at isinukli mo sakin ay isang timan Kaibigan? Ika'y biglang nagwika at ang sabi mo ay okay lang

Ngunit, subalit, datapwat, ako'y bigla nalang iyong iniwan at diman lang nagpaalam Ako'y lubos na nasaktan dahil naiisip ko ang iyong pangakong kailanma'y dimoko iiwan Nasaan na? Nasaan na ang mga pangakong iyong binitawan?
Bigla kanalang naglahong parang bula sa akibg harapan

Ngayon ako'y nagising na sa katotohanan
Na hindi na kailanman lalalim ang ating pagtingin at ito'y hanggang sa pagkakaibigan lang Naalala mo paba ang araw na ako'y umiyak sa 'yong harapan?
Dahil ang sabi mo'y may mahal kang iba at ako'y mahal mo rin bilang isang kaibigan lang

Nakatatak iyon sa aking puso ngunit buburahin kona dahil ipapakita ko sa'yo na kaya kong maging matapang kahit wala kana Naalala mopa ba ang araw na hinahabol-habolkita para bumalik kana? Kaibigan ako'y iyong sinigawan at ang sabi mo'y "baliw kana"
May mali ba sa ginawa ko?

Mali ba na mahulog ako sa kaibigan ko na akala ko'y mahal ako ngunit hindi pala Sana naisip mo na minsan lang sa buhay mo na itong baliw na dating kaibigan mo ay s'yang tunay na nagmamahal sa'yo Naalala mo paba ang mga araw na sinambit ko sa'yo ang salitang "MAHAL KITA" Kung naalala mo pa, ngayon ay binabawi ko na.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon