SAMPU

618 1 0
                                    

Sampu, sampung bagay lang yung hanggang ngayon naaalala ko,
Sampung bagay na tandang tanda ko buhat nung iniwan mo ko.
SAMPU, sampung mga pangako lang naman yung binitawan mo,
Oo sampu, sampung pangako na akala ko tutuparin mo, na akala ko gagawin mo pero,
Asan na yung tayo?
Asan na yung mga pangako mo?
Bakit tila naglaho na kasama mo?
SIYAM, siyam na saksak lang naman yung tila ibinaon sa puso ko nung pinili mong iwan ako, sumama sa iba at lumaya sa piling ko.
Pero heto buhay parin ako,
tila siyam din ata ang buhay ko para paulit ulit na saktan mo.
Buhay parin ako sa mga ala alang iniwan mo,
Buhay parin ako sa mga pangakong binitawan mo!
pang WALO, walong pantig lang yung hanggang ngayon nais ko paring sabihin sayo
"MA-HAL, MA-HAL PA-RIN-KI-TA"
PITO, pitong beses mo kong pinaniwala sa mga AKALA.
Akala ko ako lang
Akala ko tayo lang
Akala ko di mo ko iiwan
Akala ko Mahal mo ako
Akala ko Mahal, walang bibitaw
Akala ko Mahal, away lang walang hiwalayan.
Pero mali, Mali ako akala ko lang pala ang lahat.
pang ANIM, akin ng aaminin mahal bakit ka sakin nag lihim?
Lubos mong sinaktan ang aking damdamin.
pang LIMA, limang gabi akong lumuha at tanging mga unan lang ang nag silbing taga salo.
Taga salo ng mga sama ng loob ng dahil sayo.
limang araw simula nung sinabi mong "Mahal tama na, Mahal tigil na, Mahal hindi na ako masaya"
Tang ina Mahal ganun nalang ba?
ganun nalang ba kadali na itapon ang lahat.
Pang APAT, apat na taon nating pag sasama bakit winakasan at binahiran ng kasinungalingan?
Mahal naging masaya kaba sayong ginawang pag sira?
Apat na taon akong nag tiis
Apat na taon akong umintindi,
Pero bakit?
Bakit ganun nalang kadali sayo na bitawan ako?
dahil ba sa nakakita kana ng bago?
tanong lang MAHAL minahal mo nga ba ako?
Tatlo, maling maling sabihin ko pa to sayo,
pero eto yung totoo
"MAHAL PARIN KITA"
kahit na pinag mukha mo kong tanga.
kahit na ang sakit sakit na.
Pangalawa, dalawang tao dapat yung unang bumubuo ng pag mamahalan,
Dalawa dapat tayong bumubuo netong relasyong parehas nating plinano.
Dalawa dapat tayong masaya ngayon,
Dalawa dapat tayong nag mamahalan at nag sasama ngayon.
Pero dahil sa ginawa mo,
ISA, isa lang ang alam ko mahal ngayon natuto na ko,
natuto na kong tumayong mag isa at kalimutan ka,
Natuto na kong mag isa, kalimutan ang nakaraan at tumayo para sa kasalukuyan.
Kaya mahal Sampu, sampung bagay lang yung naisip ko para matuto ako.
Sisimulan ko sa huli sa kung paano mo ko sinaktan hanggang makarating sa una at matuto akong lumaban.
Kaya mahal sa sampung yan wala akong hindi naintindihan,
lahat ay malinaw!
Lahat sakin ay malinaw at hindi tulad mong malabo.
Mahal hanggang dito nalang tapos na akong mag bilang hanggang SAMPU.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon