TARA! LARO TAYO

1.6K 27 0
                                    

Sinimulan ko ang araw na ito sa pagmulat ng aking mga mata.
Iminulat ko mula sa pagkakapikit.
Sa aking pagmulat nasilayan ko ang ganda ng araw.
Nasabi ko tuloy sa aking sarili na"wow".
Tamang tama ang araw para sa ating paglalaro.
Kaibigan, halika! 
Lumabas ka sa iyong silid,
Tayo na at maglaro!

Laro tayo ng habul habulan,
Damhin natin ang kalawakan ng kpatagan.
Simulan naten to sa paghawak kamay.
Hawakan mo ang aking kamay,
Wag mong masyadong higpitan
At bako ako bumitaw.
Masakit kase ang pinaghihigpitan, mistulang nakkasakal.
At pag bumitaw na ako,
Tatakbo ako palayo sayo.
Ikaw naman ang humabol
Para maranasan mo ang pakiramdam ng naghahabol.
Habulin mo naman ako,
Dahil baka sa pagkakalayo ko,
Mapunta na ako sa malayo
At masalo mula sa pagkakahulog ko.

Tara! Laro tayo,
Laro lang pala walang tayo.
Tara laro, ikaw at ako.
Laro tayo ng tagu taguan.
Taguan tayo!
Taguan ng feelings.
Itago mo yang sayo,
Itatago ko ang akin.
Taguan tayo,
Itago sa bagay na kayang magkubli.
Mahirap magtago ng nararamdaman 
Lalo na kung sa kaibigan,
Kasama sa kalokohan at nagsisilbing sandalan.

Mahirap makipag laro sa taong hindi marunong maglaro.
Mahirap makipaglaro,
Kung ikaw mismo hindu marunong sa laro.

Tara! Laro tayo,
Magsugal tayo,
Kaya mo ba? 
Kaya mo bang sumugal?
Ako kase, kayang kaya ko.
Kaya kong sumugal kahit alam kong walang kasiguraduhan.
Kaya kitang ipaglaban
Kahit wala akong karapatan.

Tara, laro tayo.
Laro tayo ng habul habulan,
Laro tayo ng tagu taguan.
Laro tayo ng sugalan.
Alam ko namang matatalo ako sa larong to,
Alam ko ring panalo ka sa ganitong laro.
Talo ako!
Panalo ka.
Talo ako, dahil hindi ako marunong makipaglaro
Ako kase yung taong pangseryosohan at,
Hindi pangkalokohan.
Panalo ka,
Alam kong panalo ka, dahil dito ka magaling diba?
Magaling ka sa pakikipglaro
Mahilig ka sa laro at hindi sa seryoso.
Pero, 
Sana sa larong to 
Ito ang magsilbing daan para matuto ako,
At para magseryoso ka.

A/N: don't forget to Vote and Comment. Enjoy reading :)

Add me on Facebook: Ivy Smith Dawn
Follow me on IG: _ivyegana

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon