SALAMAT

1.5K 4 0
                                    

Dito na natatapos ang kwento nating dalawa, 
Mula sa saya hanggang sa umiyak na ang isa.
At susuyuin ng isa para tumigil na,
At babalik sa hagikgikan na parang wala ng kinabukasan na halakhakan at tawa.

Mga masasayang ala-ala na nabuo nating dalawa, 
Maski ang gabi ay ginagawa nating umaga, 
Dahil ayaw mawalay sa isa't-isa.
Sa umaga pagpasok sa eskwela, 
Maski sa silid-aralan ay magkausap gamit ang teleponong dala dala.

Hindi ko na nga maalala paano tayo nag simula, 
Ahh oo nga pala, 
Nagkakilala ng hindi sinasadya.
At hindi akalaing mahuhulog pala, 
Pero bakit bigla nagpaalam na lang bigla?
Dahil ba nagsasawa ka na?
O baka nagpaapekto sa sinasabi ng iba
Pero salamat pa rin sa saya.

Saya na pinadama mo sa bawat araw na nag daan, 
Salamat dahil palagi kang nandyan sa tuwing hindi alam ang pupuntahan.
Salamat sa araw araw na kaligayahan, 
Salamat dahil ako'y iyong ginabayan.

Siguro hanggang dito na lang ito, 
Itong istoryang binuo mo kasama ako.
Lahat ng ito ay nag simula sa salitang

"Kamusta ka?"

Nag tapos sa salitang

"Paalam na".

Tatapusin ko na, 
Dahil ayoko ng ito'y humaba pa.
Pero ako'y nandirito lang kapag kailangan mo ng magpapasaya, 
At tandaan mo mahal ikaw lang talaga.

Salamat sa kulitan, asaran, iyakan at hagikgikan, 
Pero sana wag mong kalimutan, 
Na ako'y maghihintay hanggang ako'y iyong balikan 
Kahit walang kasiguraduhan na ako'y iyong muling balikan, 
Ako'y maghihintay at patuloy na aasa sa pangako mong ako'y iyong hindi iiwan

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon