PAGMAMAHAL NG INA , NA MINSA'Y NAWALA

1K 2 0
                                    

Sa pagmulat ng aking mga mata, 
Mukha mo agad ina ang nakita, 
Pagmamahal mo noon sakin ay dama, 
Ngunit tila ngayon ay nawawala.

Ayaw dito, ayaw doon at ayaw diyan, 
Lahat nalang ng aking sinasalihan, 
Di mo ko masuportahan, 
Nasaan ang pag mamahal dyan?

Oo, lagi tayong nag aaway, 
Dahil sa aking katamaran, 
Pero yun ba ang basehan, 
Upang sabihan mo ako ng
"Sana namatay kana lang!"

Mga simpleng salita na binabato,
Binabato sa pusong minsan ng gumuho,
Gumuho sapagkat para sayo, 
Para sayo, isa lang akong anino.

Anino na may damdamin at nasasaktan, 
Anino na ang hinahanap ay pagmamahal, 
Oo isa akong anino, isang anino na nasasaktan kaya ano?
Ayon tumago

Tumago, sa isang sulok ng kwarto, 
At di alam kung saan patungo, 
Oo, isa akong anino, 
Isang anino na kahit kelan hindi magiging tao sayo,

Napakasakit ng sinabi mo ina, 
Na sana ay di mo na ako nakilala, 
Pinipilit ko yun na di' madama, 
Ngunit mga mata ko'y tila lumuha.

Mga salita, na minsan nakong pinaluha, 
Ipinapasok sa tenga, 
At pinalabas sa kabila,

Sa mundong ito, 
Ako na ata yung pinaka malas na tao, 
Alam nyo kung bakit?
Kasi lahat ng minamahal ko lumalayo.

Ang iwanan ng isang ina, 
Ay di madadaan sa bote ng tekilya, 
At di rin makakaya, 
Sapagkat damdamin ay mahina.

Bobo, inutil, tanga, wa­lang kwente at walang halaga, 
Yun yung mga salita, 
Na sabi mo ay itaga ko sa lupa.

Halos gabi gabi akong umiiyak, 
At puso'y di' mabuo, 
Sapagkat ito ay wasak, 
Wasak na wasak.

Kaya ikaw na nag babasa ng aking tula, 
Mahalin at igalang mo ang iyong ina, 
Sapagkat hindi lahat ng gaya mo, 
Ay may kumpletong pamilya.

A Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon