"Bakit ano ba....-" Hindi na natapos ni abby ang sasabihin nya ng mapatingin sya sa gilid ko at biglang natahimik sa kinauupuan nya.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang may bumuhos sakin na malagkit na kulay yellow. Napanganga ako dahil sa ulo ko mismo tinapon and yes tinapon!sinadya!. Tumingin ako sa paligid at lahat ng estudyante nakatingin at tinatawanan ako. Tumingin ako kay abby at alam kong nag aalala sya kaya lumapit sya sakin at pinunasan ang muka ko habang ako tumingin sa taong nagtapon ng juice sa ulunan ko. Isang babae na hindi ko kilala at nakangiti pa habang ang ibang kasama nya ay tawa ng tawa. Gusto kong umiyak dahil sobra akong napahiya pero di ko magawa kasi mas magmumuka akong kawawa kaya tumayo ako at maglalakad na sana ng harangan ako nung babaeng nagtapon sakin ng juice.
"It's nice to see you here in our school. That's our way for welcoming new students and new CLASSMATE here,I hope you enjoy and appreciate it so... welcome to St. Xaviers or should I say Hell university where your greatest nightmare will start. Don't worry umpisa palang yan kaya maghintay ka pa sa mga susunod. Goodluck! Bye!." Sarkastikong saad nung babae at nangingising paalis habang ang mga kasamahan nya tumatawa parin ng sobra.Umalis nalang ako kaysa patulan pa sya kasi wala rin naman akong magagawa pa. Nakasunod lang sakin si abby at tinatanong kung ok lang ba ako pero tumatango lang ako. Pumunta nalang kami sa may field at umupo sa damuhan.Ok narin kasing doon kami dahil walang tao gano ang pumupunta doon.
Pagkaupo namin hindi ko na napigilang umiyak. Since grade one I never had a chance to have a friend that always there for me,to comfort and to protect me because all of them treated me as a trash and a nobody. Kaya medyo nakahinga ako ng maayos kanina ng makipag friends sakin si abby.
"Are you alright?"
May nagsalita sa likuran namin ni abby na lalaki kaya tumingin ako sa kanya pero laking gulat ko ng makita kung sino yun.
"Marcus?"di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Pinunasan ko yung muka ko kasi nahihiya ako pag nakita nya akong ganun ang itsura ko.
"Steph? Hey whats wrong?" Takang tanong sa akin ni marcus na walang emosyon ang muka pero kahit ganun masaya parin ako kasi kilala nya ako at di nya ako nakakalimutan.
"May nambully kasi sa kanya. Tinapunan sya ng juice sa ulo tas lahat ng tao kanina tinatawanan sya. Sabi pa ni gale sa kanya na umpisa palang daw yan at marami pang mangyayare kaya maghanda daw sya. Wala naman kaming ginagawa kanina pero bigla nalang silang pumunta sa amin para gawin yan. Wait?do you know each other?" Pagsabat ni abby sa usapan namin ni marcus kaya sakanya natuon ang atensyon ni marcus.
"Yeah we knew each other, family friend and business partner sila nila dad." Sabi ko naman kaya nag ok nalang si abby
"Ahh...do you need help? I can call my mom then she will talk to your mom to come over here."sabi ni marcus
Agad ko naman syang pinigilan sa balak nya dahil ayoko ng malaman nila mom ito dahil kung hindi baka ilipat nanaman nila ako sa ibang school or worst mag ho-home school nalang ako at yun ang pinaka ayokong mangyare dahil boring lang at hindi ako masasanay na makihalubilo sa iba. "No need. Saka ayokong makita ako nila mom na ganito ang itsura ko baka pag nakita nila ako ilipat nanaman nila ako ng school. Ayoko na nakakapagod narin."
"Ok. If you need help just call me." Saad ni marcus bago umalis.Nag init yung muka ko sa kilig dahil nagaalala si marcus para saakin. Niyaya nalang ako ni abby na umalis papuntang room para hindi na daw ako ma bully.
Days passed by laging ganun ang routine ko sa school.Kung hindi ako tatapunan ng kung ano ano ni Gale ay papatirin naman ako,minsan babatuhin ako pero kahit ganun nananahimik parin ako at hindi nagsusumbong kila mom at dad.Pero minsan masaya ako na ginaganun ako dahil lagi akong tinutulungan nila abby at marcus kaya feeling ko si marcus ang prince charming ko.
One day papalabas ako ng room ng makita ko ang mom ni gale na kausap ang teacher namin kaya hinayaan ko lang pero nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko na binanggit ng mommy ni gale kaya tumigil ako at nagtago sa isang gilid.Di ako makapaniwala na binabayaran ng mom ni gale ang teacher namin na ipasok sya sa top tapos ako naman ang ilalaglag. Hindi rin ako makapaniwala na gumagawa ng istorya ang mommy nya para siraan ako sa mga teachers. Pinapalabas nila na sinasaktan ko si gale at pinapahiya sa ibang tao na kahit ang totoo ay ako ang inaapi. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ng araw na yun para bang ako na yung pinaka malas na bata sa lahat dahil lahat na ng pambubully na ginawa nila sakin nangyare na pati ba naman sa mga bagay na di ko inakala ay mangyayare pa. Halos hirap na akong huminga sa mga narinig ko at nagtago sa gilid.
Ang hindi ko maintindihan bakit ba nila ako ginaganito kahit wala akong ginagawang masama.Ano bang maling nagawa ko para maging miserable ang buhay ko.Ang bata ko pa pero parang pasan ko na ang mundo.Pero kahit ganun ang nangyare hindi ako nagsalita,hindi ako nagsumbong,hindi ako nagalit at lalong lalo na hindi ako nangealam.
Months passed by sobrang daming nangyare pero may isang bagay na hinding hindi ko na kayang pagtiisan pa nang idamay nya ang kaibigan kong si Abby. Kinaya kong ako lang ang binubully nila pero ang makita ko ang nagiisa kong kaibigan na sinasaktan ay sobra na.Sobra sobra din ang pinagdaanan ng kaibigan ko hanggang sa hindi na nya kinaya kaya inilipat sya sa ibang school at ako naiwang magisa nanaman.Sobrang hirap ng pinagdaanan ko nang wala sya dahil sya lang ang taong makakapitan ko pero ngayon wala na.
Ngayong magisa na ako,kakayanin ko lahat ng gagawin nila sakin pero tandaan nila na hindi pa tapos ang lahat at sisiguraduhin kong matatag at kaya ko nang ipaglaban ang sarili ko sa kanila at hindi ko na hahayaang tapak tapakan nalang nila ako basta lalong lalo na si Gale.Balang araw magsisisi sya sa mga ginawa nya sakin.
***
Guys thank you for reading my first story and I hope you still keep on reading this. Please keep this on your library. Sana wala pong bashers dyan kasi di pa po ako ganun kagaling sa pag gawa ng story. But I'll sure you that I will improve more and work on it para sa inyo😊😘
Lovelots!😍😘
✨✨✨
#IILCF💕
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
JugendliteraturEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...