Chapter 38: Traitor

1 0 0
                                    

Una kong tinawagan ang secretary ni Mom. Nakakailang ring palang ay sumagot na ito sa kabilang linya.

"Hello Steph?"

"Ahm...Hi ate Mia. I just wanna ask something important to you at kung okay lang sana ay wag mo nang ipaalam kila Mom para hindi na sila maabala? Tungkol sa mga nangyayare ngayon sa loob ng company."

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang gagawin ko. Nahihirapan akong mag decide kasi baka mas lalo lang akong makagulo sa kanila kapag nangealam pa ako sa  problema ng kompanya. At hindi ako sigurado kung makakatulong ako dahil minor lang naman ang alam ko dahil nga highschool palang ako. Ang ibang nalalaman ko ay naituro lang sa akin noon ni Dad. Pero naisip ko wala namang mawawala kung susubukan ko at saka para makatulong narin ako sa kanila dahil sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko.

"Ma'am Lex masyado po kasing confidential yung nangyayare ngayon kaya hindi ko po alam kung paano ko po kayo matutulungan. Konti lang din po ang nalalaman ko dahil ang Daddy at Mommy nyo po ang umaasikaso at yung hinire po nilang private investigator."

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukang wala talaga akong mapapala.

"Gusto po kasi nila na wala munang makakaalam at saka maayos yung problema na walang gulong nangyayare. Kaya sorry po if I couldn't give any small info."

"It's okay ate Mia I understand. Anyway thank you." Napahiga nalang ulit ako sa kama pagkapatay ko ng tawag. Hindi ko narin binalak na tawag ang secretary ni Dad dahil baka pareho lang sila ng isagot sa akin. Sana lang talaga ay maayos na nila ang problema.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip sa mga nangyayare. Nagising ako kinabukasan at dumeretcho sa cr para makaligo na.

Ilang araw nalang at malapit na ang holiday. Nextweek ay wala na kaming pasok. Medyo excited ako dahil baka sa Newyork kami mag stay ngayon nila Mom ngayong holiday. Kaso naalala ko nga pala baka may problema pa kaya baka hindi rin matuloy. Pero okay lang basta kasama ko sila ngayong pasko.

***

Pagkapasok ko sa room ay naka upo na si Cath sa usual seat nya habang nakasalpak ang earphone sa tenga nya.

"Hey! Ginagawa mo?" Kinalabit ko sya sa braso nya at tumingin sa akin.

"Nothing. Just stalking some hot men hahaha you know...Anyway, nakita mo na ba ang post ni Gale sa Ig nya?"

Nangunot naman ang kilay ko sa tanong nya. Well hindi ko alam kasi wala akong pake at hindi rin kami friends sa Ig. But the way she talks about Gale's post, hindi sya muka irita.

She handed me her phone then I saw Gale's post with a caption 'Let's live longer'. She's in the hospital maybe for her check up. I'm glad kasi mukang gusto nyang tulungan ang sarili nya na gumaling. Binalik ko narin ang phone nya at nagkunwareng walang pake.

"Mga babes saan kayo magpapasko ngayon?" Sigaw ni Aj na nasa labas palang nang pinto habang nakatingin sa amin. Tinaasan ko naman sya ng kilay sa sinabi nya. 'Saan naman nya nakuha yang babes na yan? Kaylan pa nya kami tinawag ng ganun. Wala nanamang magawa sa buhay tsk.'

"Anong babes ka dyan! Ano ba yang sinisigaw mo? Mahiya ka nga nakakarindi ka. Ang aga aga nambubulabog ka." Singhal ni Cath sa muka nya nang makalapit sya sa amin.

"Ikaw naman babes ang aga aga ang sungit mo. Gusto mo ba ng good morning kiss? Hahaha sabihin mo lang." Nangtritrip pang turan nito at ngumuso sa harap ni cath kaya napalayo sya dito at sinampal sa muka. Natawa naman ako sa kanila dahil ang cute cute nilang tignan. Ewan ko nalang kung sa bandang huli sila pa ang magkatuluyan dyan.

"Aray ko ha! Nakakasakit kana babes. Hahaha anyway saan nga kayo ngayong holiday?" Balik tanong nya.

"Baka dito lang kami. Dipa naaayos nila Dad yung sa company." Sagot ko sa kanya. Tumango naman sya saka lumingon kay cath.

"Baka dito lang din kami ngayon kasi busy din sila Mom. Alam nyo naman na kahit holiday ay busy sila."

"Pareho lang pala tayo eh. Hindi rin kami matutuloy sa Europe dahil gusto nila lola na sa kanila naman daw kami ngayong pasko at new year. So pag may time labas naman tayo para kasama ko din kayo ngayong holiday." Ngiting saad nya na ikinatuwa namin. Ngayon ko ngalang sila makakasama dahil madalas ay out of town or country kami nila Mom.

Nag start na ang klase pero lumilipad ang isip ko sa kung saan. Nabaling ang paningin ko sa gawi ni Marcus at naka focus lang sya sa harap. Hindi na siguro talaga kami magkakaayos. Ilang minuto ko pa sya tinitigan pero nagulat ako nang dumako ang piningin nya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Bigla akong kinabahan kasi hindi ko inaasahang titingin sya sa akin.

Natapos ang klase na wala roon ang isip ko. Nag madali akong lumabas sa room. Nakasunod lang sa akin sila Aj. Pagka pasok ko sa canteen ay nagorder na ako ng pasta and soda. Medyo gutom na ako sa kakaisip.

"Hoy! Bakit ba nagmamadali ka? May pupuntahan lang teh?" Inirapan ko lang sya at pumunta sa bakanteng table.

"Ano ba problema mo? Kanina ka pa lutang sa klase tapos ngayon naman nagmamadali ka. Nasaan ba yang utak mo at nawawala ka?" Tanong sakin ni cath at si aj ay nakatingin lang sa amin. Umiling lang ako at itinuloy na ang pagkain sa pasta ko.

Pagod na ako at naaawa na ako sa sarili ko. Gusto kong sarili ko naman ang isipin ko at wala nang iba. Kahit mahirap kaylangan ko nang kalimutan lahat. Alam kong kakayanin ko to.

"Are you still avoiding him? Sa kilos mo palang alam kong ganun na nga. In your case, napaka imposible nyang ginagawa mo dahil nasa iisang school kayo lalo na't nasa iisang room pa."

Inangat ko ng paningin ko sa kanya at binaba ang tinidor na hawak ko. I just give her a heavy sigh and cross my arms. I stare at her for a moment.

"Yes I am avoiding him. Kung yun lang ang paraan para makalimutan ko sya. Gusto ko nang mawala yung sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko na kinakaya. Kaso maski sarili ko parang trina traydor ako." Bahagya akong natawa sa sagot ko at napatingin sila sakin na parang naaawa sila sa sitwasyon ko.

"Traydor yung sarili ko dahil ako mismo ay hindi kayang kalimutan sya. Makita ko lang sya kahit sa malayo, bumabalik lahat ng alaala nya. Pero tinuturuan ko ang sarili ko habang hindi pa huli ang lahat."

Pilit akong ngumiti sa kanila at tinuloy na ang pagkain. Nagmadali na ako dahil gusto kong huminga dahil feeling ko ang bigat ng dibdib ko.

"Don't stare at me like that. Ayoko'ng kinaka awaan ako dahil mas nagmumuka akong mahina." I stood up from my seat and walk away. Hindi nila ako sinundan at alam kong naiintindihan nila'ng gusto ko mapag isa. Naglakad lang ako nang naglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon