Pagsapit ng uwian ay deretcho ako sa sasakyan at nagmadaling nagmaneho papunta kila Marcus. Maghapon ko syang hindi nakita ngayon dahil hindi sya pumasok sa klase. Hindi namin alam kung bakit dahil wala naman syang nasabi sa mga prof namin. Maski sila ay nagtataka kung bakit hindi ito pumasok.
Wala si kuya Gabb ngayon dahil may iniutos sa kanya si dad kaya ako nalang ang nag drive ngayon papuntang school hanggang sa pag-uwi. Nagtaka pa nga ako kanina kung bakit hindi manlang nagulat o nagalit si dad nang sinabi kong ako nalang mag dra-drive sa sarili ko.
Pagkarating ko sa kanila ay nag doorbell agad ako. Ilang saglit lang ay pinagbuksan ako ni tita Jasmin. Nagulat pa ito ng mapagsino ako at ngumiti ng pagkalaki laki. Hindi ko rin kasi nabanggit na pupunta ako kaya siguro ganun nalang ang reaksyon nya.
"Come in Steph. Hindi ka manlang nagpasabi na dadating ka, nakapaghanda sana ako." Iginaya ako nito sa salas nila at pinaupo.
"Pasensya na po tita kakausapin ko lang po sana si Marcus. Hindi rin po ako magtatagal."
Ewan ko pero nahihiya ako na kausap siya. Alam kong mabait si tita kaya ngalang ay hindi pa kasi ako nakakapunta dito, ngayon lang.
Bahagya pa itong nagulat sa sinabi ko. Nagtaka nalang ako dahil naka kunot ang noo nito sa akin at ibinaling nito ang tingin sa hagdan na akala mong nandun ang anak.
"Si Marcus? Hindi pa sya umuuwi eh, dapat sa school mo nalang sya kinausap tutal magkasama naman kayo." Ako naman ang nagulat sa sinabi nya. So ibig sabihin wala silang alam na hindi pumasok si Marcus kanina. Saan naman kaya nagpunta iyon?
"Ha? I thought he's here tita, hindi sya pumasok maghapon kaya nga po nagmadali ako at nagbaka sakaling andito sya. May importante po sana kasi akong sasabihin sa kanya" Nagtataka kong saad dito. Napatayo naman ito nagpakawala ng hangin. Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa side table at may pinindot doon. Napatayo narin ako nang makitang bahagya itong nairita. Nakahawak ito sa sentido habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone na nakalagay sa tenga.
"Where are you?" Tanong ni tita sa kabilang linya. Halatang nagpipigil ito nang galit. Si Marcus panigurado iyon. Tumingin si tita sa akin at sinenyas na maupo ako kaya naman ay sinunod ko ito. Medyo kabado ako dahil baka ako pa ang maging dahilan ng away nila.
Hindi ko naman kasi alam na wala ding alam sila tita na hindi sya pumasok. Kung alam ko lang ay hindi na ako nagtungo dito.
"I said where are you. Andyan ka nanaman ba kay Gale? Ilang beses na kitang pinagsabihan na layuan mo na iyan. Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin. Paano kapag napahamak ka dyan?!" Nagulat ako sa sinabi ni tita lalo na nung sumigaw ito sa huling sinabi nito. Natakot ako dahil ngayon ko lang sya nakitang nagkaganon. Kapag nakikita ko ito ay lagi itong nakangiti o di kaya ay tahimik lang. Kaya laking gulat ko nang humiyaw ito. Mukang nagalit na ito nang tuluyan nang malaman ang ginawa ni marcus.
"Umuwi ka na. Walang mangyayareng masama kay Gale dahil andyan naman ang mga magulang nya. Akala mo ba hindi makakarating sa amin ang ginawa mong pagtatanggol dyan sa babaeng iyan?! Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sa kanya? Makinig ka nga sa akin Marcus! May sakit sya at wala kang magagawa doon kaya umuwi ka na. Hello! H-hello?! Marcus!" Napatampal ito sa noo nang maibaba ang telepono. Tumayo na ako at lumapit dito. Hindi ko alam pero nagsisimula nanamang magsikip ang dibdib ko. Para bang may libo libong karayom na sumasaksak sa puso ko. Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko wag lang tumulo ang mga luha kong gusto nang kumawala.
"I don't know what happen to him this past few days. Simula nang sabihin nya sa amin na girlfriend nya si Gale ay iba na ang pakiramdam ko. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Marcus sa'yo. I heard what happened to you and Gale. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nandoon parin sya sa tabi ni Gale. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa ni Gale sayo iyon pati narin ng anak ko. Mukang malala na ang batang iyon." Pahayag nito na may lungkot sa muka. Alam kong nasasaktan si tita ngayon dahil sa pagbabago ni Marcus dahil maski kami ay hindi makapaniwala sa mga nagawa nya. Ano bang meron sya at patuloy syang nasa tabi ni Gale.
"Ano ba ang sasabihin mo kay Marcus at kung okay lang sayo ay ako nalang ang magsasabi." Pilit naman itong ngumiti at iniayos ang buhok kong nakaharang sa muka ko. Gusto kong maiyak. Alam ko naman ang ibig nyang sabihin eh. Mukang wala pala akong mapapala sa pagpunta ko dito.
"Nagbabakasakali lang po sana ako kung papayag sya na maging last dance ko sa debut dahil iyon nalang po ang wala, kaso mukang hindi ko sya makakausap. Mukang busy po ata sya." Pilit akong ngumiti para lang matago ang sakit na nararamdaman ko. Napakagat nalang ako nang labi at kinurot ang mga daliri ko na nasa likuran ko para lang mapigilan ko ang paglandas nang mga luha ko. Lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry Steph kung nasasaktan ka nang anak ko." Malungkot nitong pahayag at kumawala sa pagkakayakap sa akin. Umiling namn ako at ngumiti.
"Naku tita wala po iyon. Okay lang po, naiintindihan ko naman po si Marcus. Pero sana po malaman ko po agad ang sagot nya para alam ko po ang gagawin ko." Malalim ang paghinga ko at konting konti nalang pakiramdam ko ay babagsak na ang mga luhang pinipigilan ko.
"Wag kang mag-alala sasabihin ko kaagad kay marcus pag uwi nya." Tumango nalang ako at nagpaalam. Nagmadali akong lumabas nang bahay nila at sumakay sa kotse. Doon na tuluyang lumandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sakit na parang yung puso ko mismo ang nawawasak sa loob. Wala akong magawa para maibsan itong nararamdaman ko.
Pinaharurot ko ang kotse at wala na akong pake kung saan man ako mapunta sa ngayon. Ang gusto ko lang ay ang mawala itong sakit na nararamdaman ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha kaya pinunasan ko ito gamit ang palad ko.
May nakita akong sign board na may nakalagay na private property. Sa kagustuhan kong mapag isa ay iniliko ko ang manibela at tinahak ang daan papunta doon
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...