Nakikinig lang kami sa discussion ni ma'am Nikki but not literally na iniintindi namin. Medyo boring kasi ang subject namin sa kanya na english pero kahit na inaantok ako pinipilit kong hindi makatulog dahil nakakahiya kapag nahuli ako. Napatingin naman ako sa gawi ni marcus at napansing kinakalikot ang phone nito.
"Sino kayang ka text nun?" Tanong ko sa sarili ko.
"Hay naku steph nakatingin ka nanaman dyan, sige malusaw yan. Lapitan mo nalang kasi hindi yang tinatanaw tanaw mo dyan." Sabi ng katabi ko na si Cath.
Nagulat pa ako at napatingin sa kanya pero prenteng nakaupo lang ito at nasa harap ang tingin kay ma'am nikki na nag didiscuss.
Bahagya namang namula ang pisngi ko pero umiwas na ako agad para hindi nya mahalata.
"Ano ba yang pinagsasasabi mo dyan cath? Napatingin lang ako dun noh!." Pagmamaang maangan ko pa at medyo hindi mapakali sa kinauupuan ko.
"Ah ganun ba? Ok sabi mo eh." She said sarcastically and form a smile on her lips while still facing infront of the board.
After class deretcho agad kami sa canteen dahil vacant na namin. It's just a normal day for me, walang pinagbago parating boring at walang magawa.
"Hey guys! why don't we just ditch our next class? Let's try some new hindi yung puro ganito nabobored na ako eh." Aj said while pouting his lips and starring at us waiting for our answer.
"Are you out of your mind? Ayokong ma office because of your stupid idea." Cath said and roll her eyes.
Ako naman medyo na excite pero kinabahan din. Gusto kong sumangayon sa idea ni Aj kaso pano pag na office nga kami? But I think this would be fun.
"Ahm... I think?" Napatingin naman silang tatlo sa akin while waiting for my answer. Napatingin naman ako kaya Cath na parang nababasa na yung nasa utak ko at halatang hindi sumasang ayon. Si Marcus halatang nagdadalawang isip din, so for the sake of our happiness for today I decided that...
"I think it's not that bad to ditch in our class sometimes. Don't worry Cath this would be the first and last that we will ditch in our class." I explained to them and saw Aj and Marc how excited they are.
"Are you crazy! Ayokong ma office Steph ng dahil sa mga iniisip nyong yan. Saka there are many ways para hindi tayo ma bored kaysa mag ditch ng class." Pahayag nya na nakataas pa ang kilay sa amin.
Natawa naman kami sa ginawa nya kaya para gumaan naman gano ang loob nya ay nagmake face kami na nag mamakaawa at kinumbinsi namin sya para pumayag sya sa kalokohan namin. Alam kasi namin na hinding hindi sya makakatanggi pag dating sa amin na mga kaibigan nya.
I put my arm around her shoulders and make my sweetest smile on her.
"Cath, Promise this will be the first and last na mag ca-cut tayo sa klase kaya pumayag kana please...?" I said while pouting my lips and blinking my eyes several times to her.
Napabuntong hininga naman sya dahil alam nyang wala na syang magagawa at ganun nalang ang saya namin ng tumango sya at biglang ngumiti.
Sabay sabay kaming napasigaw nila Aj dahil sa tuwa kaya pumunta na kami sa may field malapit sa tambayan namin. Sa pinaka dulo kasi ng field ay hindi alam ng mga estudyante na may lumang gate doon na natatabunan ng mga tuyong dahon at matataas na halaman kaya natatakpan ito at saka dahil nasa pinakadulo ito ay hindi na napupuntahan ang bahaging iyon dahil medyo masukal na dahil sa mga puno.
We found out that place when Aj wants to pee, Hindi nya na kasi matiis noon yung ihi nya eh saktong PE class namin yun at nagpasama sya sa aming tatlo nila Marcus at Cath dahil daw natatatakot sya na kung anong mangyare sa kanya doon. Then after that nakita na namin yung lumang gate na yun.
"Guys dalian nyo kaya! Mamaya mahuli tayo ng guard eh." Saad ni Aj na pinauna pa kami sa daan.
Nagulat naman kami at di mapakali ng may pumito at sumigaw na guard sa di kalayuan namin kaya napatakbo kami papunta sa masukal na lugar para magtago.
"Hoy saan kayo pupunta! Bumalik kayo dito bawal mag cutting class malilintikan kayo sa akin at sa principal nyo!" Sigaw nang guard at tumakbo papunta sa gawi namin kaya nataranta kami minadali nila Marcus na mabuksan ang gate at kami naman ni Cath ay nagtago pansamantala sa gilid habang kinakabahan.
"Matagal pa ba yan? Malapit na sa atin yung guard!" Diin kong sabi sa kanila na medyo pabulong. My hands were already shaking.
"Medyo madilim na dito at saka nangangati na ako sa mga halamang nandito. Bumalik na kaya tayo kinakabahan ako sa ginagawa natin eh." Reklamo pa ni Cath na nahihimigan mong naiirita dahil sa mga damong nagtataasan. Medyo inis narin ako dahil namumula na yung balat ko dahil sa kati at nerbyos.
"Huwag na nga kayong magreklamo dahil pati kami nanginginig na sa kamamadali nyo. Ayan na malapit nang mabuksan." Sagot pa ni Aj sa amin.
Kinakabahan parin ako dahil medyo nga madilim sa part na to dahil sa mga puno at halamang nagtataasan at pati sa guard na hinahabol kami. Pero ganun nalang ang gulat namin ng makita yung guard na may hila hilang dalawang lalaki na di kalayuan sa amin. I feel like passing out that time because we thought we are going to be caught pero nawala yung kaba ko ng malamang hindi pala kami yung nahuli kaya hindi ko namalayang napaupo ako sa damuhan.
Dahan dahang pinihit nila marcus yung hawakan ng gate dahil kinakalawang na yun at may posibilidad na gumawa iyon ng ingay at maagaw pa namin ang atensyon ng guard na di kalayuan sa amin.
Nang tuluyan ng mabuksan ang gate ay tinulungan ako ni Marcus na makatayo kahit na medyo nanginginig parin ang mga tuhod at kamay ko sa kaba. Inalalayan nya ako makalakad at nagmadali kaming makalabas at naglakad pa ng mga limang minuto bago makapunta sa high way at sumakay kami ng taxi papunta sa pinaka malapit na amusement park sa school.
"Grabe hindi ako makapaniwala na nagawa natin hahaha! Akala ko talaga mahuhuli tayo." Masayang turan ni Aj sa amin na kahit medyo naluluha na ako sa kaba ay napangiti parin ako.
"Are you okay? Gusto mo pa bang umulit sa susunod?" Tanong sa akin ni Marcus na medyo natatawa pa sa itsura ko. Napairap naman ako sa kanya pero napangiti parin dahil sa kalokohan namin na muntik na naming ikapahamak.
"I think this would be the last and I will never do this again. Ever!" We both laugh after saying those words.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Fiksi RemajaEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...