Chapter 37: Rejection

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay kalat na sa buong campus ang nangyare pati narin ang parusa kay gale. Maraming nangamusta sa akin na kahit hindi ko naman kilala ay tinatawag ang pangalan ko. Habang naglalakad ako sa hallway naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid na tinatawanan at kinaiinisan si gale sa mga pinag gagagawa nito.

Nabalik ang tingin ko sa harap ng may maka bangga ako at galit na galit ito sa akin. Boses palang nya alam kong si gale na iyon. Pagkakita ko sa kanya ay may hawak itong mga libro at kung ano ano pa. Siguro kinukuha nalang nya lahat ng gamit nya sa locker kaya sya nandito.

"Talaga bang nananadya ka ha?! Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo sa akin ngayon tapos may gana ka pang banggain ako? Masaya kana kasi pinaguusapan na ako ngayon ng mga tao dito?!"

Nang gagalaiting saad nya sa harap ko habang ang mga tao sa paligid ay nakapalibot na sa amin at nag bubulungan. Grabe na talaga ang ugali nya hindi na nya kayang kontrolin ang sarili nya. Sobra na nga ang parusa nya pero parang wala manlang syang takot na nararamdaman kapag nalaman sa office na nagsisimula nanaman sya ng gulo.

"Sorry hindi ko sinasadya. Ayoko na ng gulo gale kaya pwede ba tama na." Malumanay ko pang saad sa kanya pero nginisihan lang ako.

"Sorry?! Ganun na lang yun? Matapos mong gawin sa akin to sorry nalang. Pagbabayaran mo lahat ng ito. Hindi pa tayo tapos!"

Sigaw nya sa akin pero hinyaan ko nalang. Binangga pa nya ako pagkaalis nya. Saktong pagkaalis ni gale ang pagdating nila aj at tinanong ang mga nangyare. Sinabi ko ang totoo at balak nilang magsumbong sa office pero pinigilan ko sila kasi ayokong lumala ang gulo sa pagitan namin ni gale.

Naglalakad na kami sa hallway ng makasalubong namin si Marc. Halata sa kilos nito na nahihiya na itong lumapit sa amin, dahil narin siguro sa ginawa nitong pagtalikod sa pagkakaibigan namin at dahil narin siguro ay na gi-guilty sya sa akin.

Natigilan kami ng lumapit sya sa amin. Nakayuko ito at hindi kami magawang tignan. Mahahalata mo sa  mga mata nito ang lungkot, pagsisisi, sakit at galit para sa sarili nito nang idapo nya ang paningin sa akin.

"Cath...Aj pwede ko bang makausap si Steph kahit saglit lang?" Tanong nito na nagdadalawang isip kung iyon ba ang sasabihin nya.

"Bakit ka naman namin papayagan? Sila tito nga hindi kana pinagkakatiwalaan, kami pa kaya." Saad ni Aj na tumapat pa kay marcus at tinaasan ito ng muka na akala mong nanghahamon ng away.

Tinawag ko naman sya at hinila sya ni cath sa braso para mailayo. Baka kasi isa nanamang gulo kapag nagkataon.

"Wag kami ang tanungin mo Marc, si Steph ang tanungin mo kung gusto ka ba nyang makausap." Paliwanag naman ni Cath sa kanya. Nahihiya syang tumingin sa akin at ako naglakas loob akong titigan sya ng masama kahit na naiilang ako. Pero mas matimbang ang galit ko ngayon dahil sa ginawa nya.

"Papayag ako pero sa isang kundisyon...Maguusap tayo ng kaharap sila Cath at Aj. Kasi sila lang yung kilala kong PINAGKATIWALAAN at hindi ako INIWAN."

Talagang pinagdiinan ko sa kanya iyon. Kahit alam kong sobra sobra na yung sakit na nararamdaman nya at pagsisisi sa sarili nya hindi ko maiwasang magalit dahil mas masakit yung naranasan ko sa kanila ni Gale.

"Pero kung pwede sana tayong dalawa lang." Ulit pa nya

"Kung ayaw mong sundin yung kundisyon ko maghanap ka nalang ng ibang kausap mo. Sinasayang mo lang ang oras ko." Lakas loob kong turan sa kanya.

Napayuko sya kasabay ng pagbuntong hininga nya. Alam kong gusto nya talaga akong makausap pero kung sya nalang ang laging masusunod baka balewalain lang nya yung nararamdaman ko kaya kahit ayokong gawin to ay naglalakas loob akong harapin sya at sabihin ang lahat ng ito.

Hindi parin sya sumagot kaya tuluyan na akong nainip at linampasan sya. Ayokong lumingon kasi baka magbago pa ang isip ko kapag nakita ko ang itsura nyang malungkot at nakakaawa. Nagdere deretcho kami sa field at pumunta sa lagi naming tambayan.

"Okay ka lang?" Tanong ni Aj nang maka upo kami sa damuhan. Tinitigan lang ako ni cath at hinihintay ang sagot ko.

Umiwas ako ng tingin at tumingala sa langit. Kaya gusto ko lagi dito sa field dahil sa simoy ng hangin at napaka payapa ng paligid. Puro puno at huni ng mga ibon ang maririnig mo. Kahit papaano nakakawala ng pagod at hindi ko naiisip ang mga problema ko ng pansamantala.

"Okay lang naman ako. Araw araw kaylangan kong maging okay at ipakita sa ibang tao na kaya ko lahat ng problemang nararanasan ko ngayon. Kayo nalang ang meron ako at ayokong pati kayo mawala sa akin kaya kahit nahihirapan at napapagod na ako kinakaya ko...para sa inyo."

"Wag kang mag-alala Steph andito lang kami lagi para sayo at hinding hindi ka namin iiwan." Nakangiting saad ni Cath na nginitian ko lang din bilang sagot.

***

After class deretcho uwi agad ako dahil wala ako sa mood na lumabas ngayon. Well, inaaya ako nila cath kanina pero tumanggi ako dahil feeling ko stress ako ngayong araw at gusto kong magpahinga. Naalala ko din sila mom kung ano na nangyare sa company namin.

"Ma'am Steph pinapatawag na po kayo ng mommy nyo. Mag di-dinner na daw po kayo."

Nag ayos lang ako ng konti at saka lumabas na nang kwarto. Nasa hagdan palang ako ay nakatanaw na sa akin si Dad. Napansin kong malungkot ito at pagod mula sa trabaho. Mukang hindi parin nila naaayos ang problema sa kompanya. Gusto ko mang makatulong sa kanila kaso hindi ko alam kung paano. Mabuti siguro hangga't maaga pa ay pag aralan ko na ang mga ginagawa nila Mom at Dad sa kompanya.

"Dad, are you okay? You look terrible." Nagmano ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Ngumiti lang sya sa akin na animoy walang problema.

"I'm fine Steph don't worry too much. Medyo pagod lang ako. Buti nalang pinauna ko nang pauwiin ang Mommy mo para may kasama ka dito. Halika na at kakain na tayo."

Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Nakaupo na si Mom sa usual seat nya kaya umupo narin ako. Tinitignan ko silang pareho at naiinis ako sa sarili ko dahil wala manlang akong magawa para makatulong sa kanila. Habang sila kahit ang dami ng problema sa kompanya nagawa parin nilang pumunta sa school at ayusin yung nangyare sa akin.

Wala na akong gana kumain pero sumubo parin ako kahit konti lang para hindi sila magtaka sa akin.

"Mom, Dad ano na po ang nangyare sa kompanya? Alam ko pong hindi nyo parin naayos yung problema. Meron po ba akong maitutulong? Nahihirapan na po kasi ako eh. Nakikita ko kayong pagod lagi galing sa work tapos napapansin ko na lagi kayong puyat. Kung may maitutulong man po ako willing naman po ako eh."

"Mag-aral ka lang ng mabuti anak. Yun ang maitutulong mo sa amin ng Dad mo. Wag ka nang masyadong magalala at kaya na naming ayusin ang problema sa kompanya."

Tango nalang ang naisagot ko at tinapos ang pagkain ko. Dumeretcho na ako sa kwarto at nagisip kung ano ang pwede kong gawin para makatulong kila Dad. Makalipas ang ilang oras ay tumayo ako sa pagkakahiga at dinampot ang cellphone ko sa side table. Hinanap ko ang number ng secretary ni Mom at Dad at nagbabakasakaling masagot nila ang mga katanungan ko.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon