Chapter 30: The Game

0 0 0
                                    

The game has already started kaya nagsi upo na lahat ng tao sa loob ng gym. I'm looking for Aj because he's not playing at the court kaya nagpalinga linga ako at sa hindi inaasahang pangyayare pinagsisihan kong hinanap si Aj dahil imbes na sya ang makita ko ay isang lalake at babaeng kinaiinisan ko ang nakita kong magkasama sa kabilang bleachers. Pansin kong kakaiba ang ngiti nila sa isa't isa at dahil dun lalong bumigat ang nararamdaman ko.

Napalingon ako bigla kay Cath ng sikuhin nya ko sa tagiliran ko. "Hoy! San ka ba nakatingin? Maglalaro na si Aj dali i cheer natin sya. Mamaya mo na hanapin yang hinahanap mo." Saad ni Cath sa tabi ko kaya binalewala ko nalang ang nakita ko.

Lahat ng tao sa loob ng gym ay nagkakagulo at naghihiyawan kaka cheer ng mga team nila dahil hindi nalalayo ang score ng dalawang koponan. Magkalaban ngayon ang team namin na Red Dragon Warriors at Blue High Eagles. Second quarter palang naman pero halata mo na mainit ang labanan. Ngayon ko lang nakitang maglaro si Aj kaya proud na proud ako sa kanya kasi napaka galing nya. isa sya sa magagaling na player namin sa section at ng team namin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko kasabay ni cath at sumigaw ng " Go Aj!!" ng maka shoot ito ng three points. Napatingin sya sa gawi namin at nginitian kami. Todo cheer kami sa kaibigan namin dahil alam naming ito ang unang beses na sumali sya sa ganitong event na kung tutuusin ay pinilit lang namin sya pero at least ngayon nag eenjoy sya at naipapakita nya sa iba ang galing nya sa paglalaro ng basketball.

Tumatakbo sila ngayon sa kabilang ring at makikita mong mabilis ang kanilang galaw. Agad na pinasa ni Christian na kaklase namin kay Aj ang bola at nasalo naman nito. Akala ko ay tatalon ito upang makapuntos muli pero ipwinesto nito ang siko pa kaliwa para makaiwas sa kalaban at nag dribble at umikot pakaliwa at saka nag shoot ng three points. Teknik lang pala nito upang malinlang ang kalaban nya. Lamang na kami ng anim na puntos sa kalaban.

Napatingin ako kay Cath ng makita syang nageenjoy habang pinapanood si Aj na maglaro. Napangiti nalang din ako at binaling ang tingin sa dalawang taong nasa kabilang bleachers. Biglang nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ng lungkot. Seryosong nanonood si Marc habang si Gale ay nakapulupot ang kamay sa braso nito at nakatitig dito. Kahit napakarami ng tao sa loob ng gym di ko inaasahan na makikita ko parin sila kaso malas talaga ang tadhana.

Naningkit ang mga mata ko ng hawakan ni gale ang muka ni marc at iniharap sa kanya, konting lapit nalang siguro at maghahalikan na ang mga ito. Naiinis ako at gusto kong magwala sa nakikita ko. Hindi siya naging ganun sa akin ni kahit kanino pero bakit napakadali nyang gawin ang lahat kay gale ganun ba talaga pag mahal nya?

Parang tutulo na ang luha ko pero pinigilan ko ng makita kong nginitian nya si gale at pinisil ang tungki ng ilong nito. Sobra naman akong nagulat ng bigla syang lumingon sa dereksyon ko. Hindi ko alam kung sa akin ba sya tumingin o sadyang praning lang ako. Baka naman hindi, dahil sa sobrang dami ng tao dito napaka imposible. Pero sobra akong kinabahan at nataranta kaya muli nalang akong humarap sa mga naglalaro.

"Cath nagugutom ka ba? Mukang mahaba haba pa naman ang laro nila bibili na muna ako ng makakain natin." Kinalabit ko sya pero mukang walang balak na kausapin ako dahil nakatingin parin sya sa mga naglalaro kaya umalis nalang ako, hindi rin kasi ako makahinga ng maayos sa loob. Hindi ko alam kung bakit, pero naka aircon naman sa loob siguro pagod lang to. Dumeretcho ako sa canteen at bumili ng dalawang tubig at chicken sandwich kumuha rin ako ng isang spaghetti at kakain na muna ako dito. Mamaya nalang siguro ako babalik.

I sat on the chair on the side and started to eat my spaghetti when someone sat on the chair infront of me. Muntik na akong mabilaukan buti nalang nakainom ako agad ng tubig, kung di ko napigilang umubo siguro nailabas ko na lahat ng nasa bunganga ko sa pagmumuka nya.

"I'm sorry but there's a lot of seats out there I want to eat alone." I said with an irritated voice. As long as I want to leave and hurriedly eat my food but I can't help myself to look at him.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon